Chapter 56

33.2K 658 30
                                    

Brenan's POV

"Kanino kayo? 1 vs 4 ito. Saan ka pupusta?"

"Sa 4 ako.Dehado kaya iyong nag-iisa lang. 1 libo lang nahingi ko kay Papa eh. Oh eto"

"Hay naku! Ang dami mo pang satsat eh. Isang libo lang pala pusta mo.", nakasimangot na sabi ni Monique.

"Oh ikaw naman! Sanka pupusta?"

"Sa isa ako. He looks cool eh"

"Good choice! Oh magkanu ang pusta mo?"

"5 thousand ang nakuha ko kay Mama"

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala. Narito kami ngayon sa likod ng mansyon.

Tama nga ang hinala ko. Isasabong ako nitong Nano na ito. Ayon ang malokong bata! Nangongolekta na ng mga pusta sa kapwa bata. Sinabihan niya ang mga itong humingi ng pera sa kani-kanilang mga magulang. Dahil nga busy naman ang mga matatanda sa business matters ay wala manlang silang kaalam alam sa nangyayari. Basta nalang nilang binigyan ang kanilang mga anak ng pera.

"Oh ikaw?! Magkanu ba pusta mo?", baling nito sa babaeng may apat na bodyguards.

"Bakit? Magkano ba pera mo? At tatapatan ko?"

Aba mayabang din ang batang ito ah.

"Talaga? Kahit magkano?"

"Oo! Look oh I have my Dad's Checque..I can write here the amount you know..."

"Eeehh? Ang daya mo naman! Paano ko malalaman na totoo iyan?"

"My Dad told me that I can use this and they will probably accept it since I am the successor of our company"

"Talaga? Kahit magkano ha? Teka lang jan ka lang at hihingi ako ng pera kay Tatay"

"Tch. For all I know baka 100 lang kaya ibigay ng Tatay mo! Haha!"

"Hahaha!", natawa din ang mga bodyguards sa sinabi ng batang ama.

"Hmp! Ang yabang mo! Wait for me!"

Pagkatapos sabihin ay mabilis ng umalis si Nano.

Hayyy naku!!! Ang bata bata..ang dami ng alam ng batang iyon..

~

Kristan's POV

"If you invest in our company, mas mamamayagpag pa ang De Chavez Group of Companies Sir not only in Asia but internationally."

"I'll think about it Mr. De.Chavez. I'll ask my wife but I can that your proposal is very tempting.",sagot ko rito.

"Papa can I have money please"

Mula sa seryosong pag-uusap sa CEO ng De Chavez Group of Companies ay nabaling ang pansin ko sa bata malapit sa amin at humihingi ng pera sa ama nito. Balewala namang binigyan ito ng ama at pinaalis na ang anak dahil may kausap itong investor.

Actually sinadya kong sabihin na dalhin ang kanilang mga anak dahil gusto kong magkaroon ng kaibigan ang anak. Speaking of anak, hindi ko pa nakikita ang anak na si Monique. Habang si Xander naman ay kasama nito ang asawa na busy rin sa pakikipag-usap sa mga kababihan.

Hmmm..Bakit parang may mali...Asan na kaya ang mga bata? Bakit unti unti na ata silang nawawala?

"Tatay?!"

Nabaling ang pansin ko sa tumatakbong anak ko patungo sa kinatatayuan ko.

Kaya naman napangiti ako. Agad itong nagpakarga sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

"What can I do to my little princess?"

"Hello po!", bati nito sa kausap ko.

"How adorable kid. Is she your daughter Mr. Steeve?"

"Yes, she is...", nakangiting sabi ko.

"Tatay! Penge po ako pera.."nagpapacute na sabi ng anak.

"Anong gagawin mo sa pera nak?",curious namang tanong ko.

"Ahihihihi...Secret Tatay!"

Naku...mukhang may naaamoy na naman akong kalokohan nitong anak ko ah.

"Hmmmm, but I don't have cash here honey...."

Nang sabihin ko iyon ay bumalong agad ang luha sa mga mata nito.

Damn....

"Ohhhhh", reaksyon naman ni Mr. De Chavez.

"But, I have my cheque here...How much do you want honey?"

"Talaga Tay?! Meron din tayong cheque?! Yessss?!", masayang sabi nito.

"Hahahahhaa! I like your kid..", natatawang komento ni Mr. De Chavez.

"Come on tell me..how much baby...", sabi ko saka nilabas na ang cheque at ballpen."

"I want 100 Million Tatay...",nakangising sabi anak.

"Wh-what?!", pareho kaming napanganga ni Mr. De Chavez sa sinabi ng anak.

"A-ayaw niyo po? U-utang naman eh
B-abayaran ko po agad.", naiiyak na wika ng anak kaya naman agad kong sinulat ang hinihingi nito. Mahirap kasing patahanin ang anak. Lagot ako kay misis.

"Oh eto nak.", sabi ko saka binigay ang cheque rito.

"Wow?! Thanks Tatay!.Don't worry! Kapag nanalo po ako ililibre ko po kayo. Pati po ikaw Lolo Panot! Bye po!"

Napanganga nalang kami ni Mr. De Chavez sa tinuran ng anak at mabilis na tumakbo paalis.

"Anak mo talaga iyon Mr. Steeve?"

"Tch. Ofcourse yes!"

"Ahhhh"

~

The Missing Daredevil's QueenWhere stories live. Discover now