Chapter 30

33.6K 694 21
                                    

Bea's POV

"Lola...bakit po hindi pa ako binibisita ni Nanay? Miss na miss ko na po siya eh"

Parang tinusok ang dibdib ko ng marinig ang tanong ng anak ko mula sa labas ng bahay. Sakto lang naman ang laki ng bahay. Hindi malaki pero hindi naman maliit.

Nasa may pintuan na ako ng maulinigan ko ang boses ng anak ko mula sa loob.

"Baka busy pa kasi siya apo pero hindi natin alam bigla kang surpresahin...alam kong namimiss ka na rin non....", narinig kong sabi ni Tita Cyn.

"Lola..pwede bang tayo nalang ang dumalaw sa bahay nila Tatay pogi?", hirit ng anak.

"Apo...alam mo namang busy ang Lola....."

"Lola pwede po bang magtrabaho na rin po ako sa bahay nina Tatay Pogi para po lagi ko nalang kasama si Nanay...promise po magpapakabait po ako doon. At saka dadalawin ka nalang po namin.Kasi po namimiss ko na po siya eh. Ako kaya nanimiss na rin niya? Iniisip niya rin po kaya ako?"

Hindi ko na mapigilan ang maluha dahil sa naririnig kaya naman mabilis kong binuksan ang pinto.

"Suprise!!!!!!",malakas kong sigaw. Nakita kong nanlalaki ang mga mata nito sa gulat pero mapapansing masaya ito ng makita ako.

"Nanayyy!!!!!!", malakas na tili nito at saka tumakbo palapit sa akin para yumakap.

Nakita kong nagpahid ng luha si Tita Cyn ng makita kung gaano nagalak ang anak ng makita ako.

"Miss na miss na miss na kita Nanay..", sabi nito saka ako pinaliguan ng halik sa mukha.

"Hahahahahah", natatawa tuloy ako rito kasi para namang matagal ng panahon ang lumipas na hindi kami nagkita eh parang dalawang araw lang eh.

Ganito kasi kami kalapit ng anak kaya nalulungkot ako na makitang nahihirapan ito sa sitwasyon namin.

Kaya naman sa ayaw at sa gusto nila ay isasama ko na ang anak ko sa mansiyon. Pakikiusapan ko nalang si Kristan kaysa hindi rin naman ako mapapakali pag balik ko habang iniisip ang anak.

"Miss na miss narin kita anak"

~

Mr. William Steeve POV

"Kristan..ano itong nalaman ko tungkol sa apo ko....", salubong ko agad sa anak pagpasok palang ng bahay. Itinawag kasi sa akin na hindi pa lumalabas sa kwarto ang apo kanina pang umaga. Hindi pa raw kumakain eh alas tres na ng tanghali.

Umiiyak lang daw ito. Maging ang ama nito ay hindi mapatahan ang anak. Kaya naman kahit nasa kalagitnaan ng meeting ay umalis na ako para tingnan ang apo.

"Pa....hinahanap niya kasi si Bea. Nag-aalala na ako dito. Ayaw niya ring kumain..", natatarantang sabi ng anak.

"Nasaan ba kasi si Bea?", kunot noong tanong ko.

"Uhmm umalis....sabi niya bibisitahin niya ang anak nito pero babalik naman daw..."

Hindi ko alam pero parang malikot ang mga mata ng anak ng sabihin iyon. Hindi naman basta basta magwawala ang bata kung walang dahilan. He's a very smart kid.

Tinitigan ko ito ng mabuti.

"Tch. Fine! Medyo napagsalitaan ko kasi siya kaya iyon nagpasyang umalis na muna. Pero sabi niya babalik naman daw siya eh.."

"Sinasabi ko na nga ba...", naiiling na wika ko saka umakyat na at tinungo ang kwarto ng apo.

"Apo......",tawag ko dito.

Agad itong nagtanggal ng kumot ng marinig ako.

"Lolo!!!!!*sob*", umiiyak na wika nito saka ako niyakap.

The Missing Daredevil's QueenWhere stories live. Discover now