Chapter 21

27.9K 589 9
                                    

~

Delia Collantes' POV

"Goodevening Delia...Pare Jerson...Kumusta? It's been how many years. Mabuti naman at nakarating kayo sa imbitasyon ko.."

Hindi ko alam kong matutuwa ako sa pagbati ni William o kakabahan dahil blanko ang mababasa mo sa mukha nito. Hinalikan niya ako sa pisngi saka nakipag hand shake siya sa asawa ko.

Napansin kong napalunok si Jerson dahil napahigpit ata ang hawak ni William sa kamay nito na animo'y nanggigigil.

"Halikayo sa komedor...", anyaya nito saka tumalikod na.

"Hon...relax..you look tense...", sabi sa akin ng asawa ko.

"Hindi mo ako masisisi.....", sagot ko dito kaya napipilan ito.

Nang marating namin ang komedor ay inalalayan kami ng mga katulong na maupo. Punong puno ang malaking mesa ng iba't ibang putahe. Pero hindi ko maramdaman ang gutom dahil mas nangingibabaw ang kabang nararamdaman.

"Kumain muna tayo..bago tayo magkumustahan..", seryosong sabi ni William saka nagsimula ng kumain.

Tahimik lang kaming tatlo na kumakain na para bang nakikiramdam sa isa't isa. Kahit hindi ko malasahan ang pagkain ay pilit  parin akong kumain.

Ilang segundo pa ay natapos na rin kami pero eto na ata ang pinakamatagal na oras sa buhay ko.

" Hindi ata kayo nag-enjoy sa dinner natin. Kaunti lang kasi ang nabawas...Masyado naman kayong halata na kinakabahan...", seryosong umpisa nito saka humihigop ng kape.

"William....a-ano ba ang gusto mong malaman? Oh baka alam mo na at hihingi ka lang ng kompirmasyon.. ", matapang na sabi ko dito.

BLAGGGGGGG

Napaigtad ako ng bigla na lamang nitong ihagis ang baso na may lamang kape at lumikha iyon ng ingay sa buong kabahayan. Pati mga katulong ay natakot.

Ngayon lang nila nakita ang ganitong ugali ng amo..Hinawakan naman ni Jerson ang kamay kong nanginginig na.

"Tang-ina niyo......", mahina pero punong puno ng galit na sabi nito.

"Ha! Gustong gusto ko kayong pagmumurahin. Tang-ina ninyo pareho!!!!!", ramdam na ramdam nila ang galit nito habang sinasabi ang mga katagang iyon.

BOOGGSSSSHHHH

Muli na naman kaming napaigtad ng mapagbalingan nito ang mga kobyertos na nasa mesa at malakas na hinagis ang mga iyon.

"Higit kanino man ay kayong dalawa ang pinagkakatiwalaan ko dahil buong akala ko ay kaibigan ko kayo....", mararamdaman mo ang sobrang pait habang sinasabi nito ang mga iyon.

Napaluha ako sa sinabi nito.

"Halos ikamatay ko ng buong akala ko ay namatay ang asawa ko! Nakita niyo kung gaano ako naghirap...halos ikamatay ko iyon lalo't pati anak ko ay kinamumuhian ako dahil ako ang rason kung bakit naaksidente si Cynthia...."

Mas lalo pa akong humagulgol ng magsimulang umiyak si William. Pati rin si Jerson ay hindi na napigilan ang hindi mangilid ang luha dahil nanumbalik ulit ang nakaraan kung paano ito naghirap.

"Pakinggan mo muna kami William...", lumaluhang sabi ko.

"Hindi!!!!pakinggan niyo muna ako!!! Ang sakit sakit na ang mga taong pinagkatiwalaan mo ay niloko ka lang!! Gusto kong manakit alam niyo ba iyon?!!!"

BOGGGGGSSSSHHHH

"William..........."

Napatigil kaming lahat ng marinig namin ang boses na iyon.

The Missing Daredevil's QueenWhere stories live. Discover now