Chapter 20

29.5K 599 16
                                    

Kristan's POV

"Babe?!"

Mula sa mga bata ay nabaling ang tingin namin sa pinagmulan ng umalingawngaw na tinig na iyon.

"Oh damn.....", napamura nalang ako ng makita ko ang hindi kaaya ayang mukha ni Bea.

"Oh nanjan na pala ang syota mo boss.....", sabi ni Gab.

"Pffffffffftttttt", natatawa nalang sina Mark, Brenan at Celvin.

"Helo guyz?! Nagkakasiyahan pala kayo dito eh hindi niyo ako sinasali...", nakangusong sabi nito saka umupo na sa tabi ko.

"Eh total nandito ka na eh makijoin ka na rin. Tawagin mo na rin yung kaibigan mong maganda na si Leila para mas marami mas masaya..", nakangiting suhestiyon ni Mark.

"Sus...huwag kang makinig jan Bea..paluluhain lang niyan ang kaibigan mo...", komento naman ni Gab.

"May trabaho pa kasi siya pero huwag kang mag-alala pupunta naman siya dito eh pagkatapos niya..", sabi naman ni Bea.

"Boss hindi ba pwedeng i pull out ko na si Leila para makajoin na siya rito..", hirit pa ni Mark sa akin.

"Sige...pero...-"

"Yesssss!!!!...Kahit ano gagawin ko boss...anong kapalit?", masayang tanong nito.

"Sige pull out mo siya sa trabaho niya basta ikaw ang pumalit...siya pumunta rito ikaw naman ang maglinis..", poker na sagot ko. Ang masayang ngiti nito ay napalitan ng pagkalugi.

"Boss naman eh...Parang isang tao lang ang dami-dami mo namang tauhan ah..hindi mo naman ikakalugi saka kahit malugi ang isla hindi mo naman ikakahirap dahil ang yaman yaman niyo na....", nakangusong sabi nito.

"Tch..."

"Bea....tulungan mo naman akong kumbinsihin iyang matigas mong syota...", sumbong nito kay Bea.

At talagang naghanap pa ng kakampi? As if naman.....sabi ko sa utak ko saka kinuha ang basong may lamang alak at tinungga.

"Ehhh? Matigas? Saang banda ang matigas?", nagtataka naman tanong ni Bea

"Jdjdhejdkdkd", dahil sa sinabi nito ay nailuwa ko ang iniinom na alak at nasakto pang sa mukha ni Mark nabuhos.

"Damn....boss naman eh!!", pagrereklamo ni Mark.

"Pffffffttttttttt Hahahahahah", habang tinawanan lang siya nina Celvin, Brenan at Gab.

"Ano ka ba babe...okay ka lang?", sabi ni Bea saka mabilis na kumuha ng tuwalya at pinunasan ang mukha ko.

Hindi ko alam pero ang bilis ng tibok ng puso ko sa tuwing naglalapit kami.

"E-enough....", suway ko dito saka hinawakan na ang kamay nitong may hawak na tuwalya at abalang nagpupunas sa mukha ko.

"Ikaw naman kasi babe ingat ingat din pag may time...at saka bakit ka ba naka topless....inaakit mo ba ako?", nakangiting sabi nito.

"W-what?! Of course not?! Malamang maliligo ako sa dagat kaya nakapanligo ako..", naasar kong sabi.

"Aysus....napakadefensive ng babe ko...hihi..ikaw naman huwag mo nga akong nilalandi kapag nasa public tayo dapat kapag tayo tayo lang...", natatawang sabi nito.

Naramdaman kong umakyat ang lahat na ata ng dugo sa mukha ko pinagsasabi ng babaeng ito.

"Bilib na talaga ako sa iyo Bea....", natatawang sabi naman ni Gab.

"Dahil maganda ako?"

"Hindiii....."

"Eh ano?"

The Missing Daredevil's QueenWhere stories live. Discover now