Chapter 2

28.9K 603 8
                                    

~

CYNTHIA'S POV

Kasalukuyan akong nasa meeting sa isang taong pinagkakatiwalaan ko ng lubasan. Siya ang nagbibigay report sa akin kung kumusta na ang mag-aama ko pati na roon sa isa ko pang apo.

"Cyn...ang pinagtataka ko lang ay kung bakit walang bakas kung saan napunta ang isa pang kambal", sabi ni Jerson Cruz, siya ang matalik namin ni kaibigan ni William.

Oo tama kayo ng nabasa ako lang naman si Cynthia Villareal Steeve. Nang araw ng maaksidente ako..

the flashback

Iyak ako ng iyak dahil sa sakit na nararamdaman ko. Malabo na ang paningin ko pero wala na akong paki-alam.

"AHHHHHHHhhhhh!!!!!'

Nagulat na lamang ako ng bigla nalang may humampas na napakalakas na pwersa sa akin. Nagpaikot ikot ang kotse ko at malakas na humampas. Nahihilo na ako at naramdaman ko ang mainit na likidong umaagos mula sa ulo ko.

Kahit ganoon ay parang may naririnig akong sumisigaw bago ako lamunin ng dilim.

"CYN!!!!! Damn!!", sigaw ni Jerson matapos masaksihan ang pagbangga ng isang kotse sa sasakyan ng kaibigan. Nang makita niya itong umalis sa party ay agad niya itong sinundan dahil masama ang kanyang pakiramdam at tama nga siya.

Tumigil ang kotse na bumangga sa sasakyan ni Cyn at bumaba doon ang dalawang taong sakay doon. Isang babae at isang lalaki at parehong nakahawak ng baril. Naglakad ito patungo sa yuping sasakyan ni Cyn.

Mga gago sila at talagang gusto pa nilang siguraduhin na patay ang kaibigan ko. Kaya naman kinuha ko rin ang baril na lagi kong tinatago sa kotse ko in times of emergency. Buti naman at magagamit narin kita.

Agad siyang lumabas at tumakbo papunta sa dalawang kriminal na iyon. Agad kong pinaputukan ang babae at natamaan. Agad namang nagtago ang lalaki at nakipagpalitan ng putok. Pero dahil mas magaling ako at sanay na dito dahil ito ang trabaho ko kaya dehado ang lalaki.

Natamaan ko siya pero nakatakas siya at pinaharurot paalis ang sasakyan nito. Dali-dali akong nagpunta kay Cyn.

"Cyn!!!!!"

Nakayupyok ito sa manibela at wala ng malay. Nilabas ko siya at dinala sa sasakyan ko pero bago ko paandarin ang kotse paalis ay nahagip ang tingin ko bangkay ng babaeng nabaril ko kanina. Tumingin ako kay Cyn at nangislap ang singsing nito.

I'm sorry Cyn but this is for your own good. Kinuha ko ang singsing nito at pinagpalit ko narin ang damit nila. BInuhat ko ang bangkay ng babae at nilagay sa driver seat ng yuping sasakyan ni Cyn saka pinaandar patungo sa bangin. Bumagsak ang sasakyan sa malalim na bangin at saka sumabog.

Napagpasyahan namin na ipeke ang kamatayan ko. Naroon ako sa mismong libing ko. I felt bad dahil nasasaktan ang pamilya ko lalong lalo na ang nag-iisa kong anak na si Kristan pero kailangan naming gawin iyon para malaman ang nasa likod ng lahat. Pati sa kasal ng anak ko ay naroon ako atasa malayo lang. Ako narin ang nagligtas sa asawa nito ng malaman ni Jerson ang binabalak ni Janine.

Napakabait na bata noon si Janine pero hindi ko maintindihan kong bakit kailangan niya pang gawin iyon para lang makapaghiganti.

Kailangan ko ring itago ang totoong mukha ni Megan o Bea dahil baka makatunog ang kalaban at manganganib ang buhay nila ng apo ko. Salamat sa Doktor noon na gumawa ng cosmetic at iyon nga ang bagong katauhan ni Megan. Siya na ngayon si Bea. Pero nasubrahan ata dahil ubod pangit naman ng manugang ko.

Oopppss huwag kayong magalit sa akin dahil natatanggal naman iyon. Halimbawa sa gabi, tinatanggal niya ng cosmetic na nagtatago sa totoong mukha nito. Pero ang apo kong si Monique ay magkamukhang magkamukha sila ni Megan.

"Hey Cyn....nawala ka na", agaw pansin sa akin ni Jerson.

"Sorry....ako din nagtataka kung bakit wala pa ring balita tungkol sa isa ko pang apo.", malungkot na sabi ko.

Ring ring ring

Best Delia Calling.....

Siya nga pala si Delia Cruz, ang asawa ni Jerson....Kasalukuyan siyang nagtatrabaho bilang Head Mahager ng AMSS ISLAND kung saan doon narin nag wowork si Bea. Kung alam niya lang na kanila ang islang iyon.

Sinenyasan ko si Jerson tumatawag ang asawa nito.

"Yes best? Ano ang balita jan?', tanong ko dito.

"Papunta na siya doon best. Magkikita na ang mag-asawa", pagbibigay impormasyon nito.

Napangiti ako sa narinig. Ito na ang pinakahihintay niya ang muling magkrus ang landas ng mag-asawa pero sa ibang katauhan ngalang kay Megan.

Ano kaya ang mangyayari?

~

Bea's POV

Habang palapit ng palapit si Bea sa VIP Room ay lalong lumalakas ang pintig ng puso niya. Hindi niya alam pero siguro ay dahil kinakabahan siya.

Pagbukas niya sa pinto ay wala ngang katao-tao.

"Hayst....may sakit na ata ako sa puso", sabi ko sa sarili ko ng hindi parin kumakalma iyon. Para mawala ang kaba ko ay nilabas ko nalang ang lumang mp3 at nilagay ang head set. Pagkatapos ko iyong maayos ay sinalpak ko na ito sa tenga ko.

"Yayyyyy...it's showime!!!!", masayang sabi ko at nagsimula ng maglinis.

Hindi naman nagtagal ay sobrang focus na ako sa ginagawa kong paglilinis at napapasabay pa ako ng sigaw este kanta mula sa pinapakinggan kong musika.

Napalukso ako ng magsimula ng tumugtog ang paborito kong kanta ang Wrecking Ball!

Sinabayan ko ang kanta at ng nasa chorus na ay napapikit pa ako habang ginawang mike ang hawak kong panlinis at ubod lakas na sumigaw ng:

"I came in like a wrecking ball

I never hit so hard in love

All I wanted was to break your walls

All you ever did was wreck me

Yeah, you, you wreck me"

Dalang dala na siya sa kanta ng bigla nalang siyang makarinig ng lagabog kaya naman napadilat siya ng wala sa oras para lang mapanganga sa nakita. Mula sa banyo ay naroon ang isang greek god na tanging maikling tuwalya lang ang bumabalot sa katawan.

Ohhhh why so HOT!!!!!

"What the fuck?!", pagmumura ng isang napakagwapong nilalang na nasa harap ko ngayon. Wow ang mga masel ang sarap hawakan.

Nakanganga parin siya habang hindi halos pumpumikit dahil baka mawala bigla ang mala adonis na lalaking ito.

~

Sorry kung maiksi lang siya....antok na kasi ako...till next update...:) Enjoy reading!!!

Wala po akong schedule ng kung kelan ako mag a update kasi depende lang siya kong sisipagin ako o hindi. KUng inspired ay agad agad nag a update....Hehe..Kaya pahingi ako ng votes po...:)...Goodnight everyone!.:)

The Missing Daredevil's QueenWhere stories live. Discover now