Chapter 37

35.8K 733 34
                                    

Hello guyz! Eto na! Thanks sa mga nagflood votes at sa mga walang sawang nagbibigay ng kanilang comments...harhar..:) Enjoy reading! I love you all! PS: Hello sa aking kaibigan na si Arlene P. na patay na patay raw sa SDG at TDMQ...Kinagigiliwan daw niya ang kalandian ni Bea! Hahaha!!  Thanks for the laughters that we shared!:)

Bea's POV

"Hoy babe....sayang naman ang pera. Sana binigay mo nalang sa akin. Ang dami kaya non! Ibaba mo ako at babalikan ko ang sukli naten!!!", sabi ko rito habang buhat buhat parin ako.

"Tch. Pwede ba huwag kang maingay", masungit na sagot nito.

"Mommy!/Nanay!"

Sabay pang sigaw ng dalawang bata matapos kaming makita saka masayang tumakbo papunta sa amin.

"Tatay ako rin buhat!", sabi ni Monique saka binuka ang kamay habang nagpapacute na tiningnan si Kristan.

"Sure little princess", nakangiting tugon ni Kristan at binaba ako pero-

"Ayoko nga?! Nauna ako!", nakasimangot na sabi ko saka pinaikot pa ang kamay sa leeg ni Kristan at mahigpit na humawak. Wala akong balak na bumaba ano?!

"Tch. Si little princess naman..ang bigat mo kaya", nagrereklamong sabi ni Kristan.

"Nay?! Ang tanda mo na kaya?! Bata lang ang binubuhat?! Ako naman?!", nakangusong sabi ni Monique.

"Hayst?! Sige na nga?!", napipilitan akong bumitaw kay Kristan kaya naman dali daling pumalit si Monique.

"Mommy sa Arcade tayo?!", yaya ni Xander sa akin saka hinila na ako.

Habang sumunod sa amin sina Kristan na buhat si Monique, sina Isca, Inday at si Xian na hawak na ngayon ang damit kanina.

"Boss?! Sama kami?!", sigaw nina Celvin.

Pagpasok namin roon ay agad nagpapalit si Kristan ng tokens. Naglabas ito ng libo libong pera at nanlaki ang mga mata ko sa dami ng tokens!  Habang tuwang tuwa naman ang mga kaibigan nito na sina Celvin at nagsikuhanan na ng tokens.

Kumuha narin kami kaya naman tuwang tuwa ang lahat. Nagkanya kanya na kaming puntahan sa kung ano man ang gusto naming laruin. Ewan ko ba dito kay baby Xander para itong kabute na nakakapit sa akin.

Napagkasunduan naming dalawa na sumakay ng bump car! Nagrent kami ng isa at ako ang nagdrive.

"Hahahaha....! Go Mommy!", natatawang sabi ni Xander dahil ilang ulit kaming nabunggo sa pader eh hindi pa kami nakapagsisimula. hindi kasi ako marunog pero nakakatawa lang kasi! Nakakahiya rin kasi nasa starting line palang kami eh todo bangga na kami.

BOOOOGGGSSSSSSHHHH!!!

"AAAAhhhhhhh", sabay pa naming sigaw ni Xander ng may bumunggo sa amin ng sobrang lakas. Kung hindi pa kami nakaseatbelt ay malamang nahagis na kami.

"Okay ka lang baby?",nag-aalalang tanong ko agad kay Xander.

"Yes Mommy"

Galit kong tinangnan kung sino ang salarin at nakita ko ang isang lalaking puro hikaw ang mukha na nakangisi pa.

"Gago ka ba?! Hindi mo ba nakitang may kasama akong bata ha?!", galit na sigaw ko rito.

"Pffftttt Sorry paharang harang kayo eh.", natatawang sabi nito. Aba't nakakaloko tong adik na ito ah!

Paalis na sana ito ng biglang.

Boooggggsssshhhh!!!

"Damn!", mura ng adik ng mahagis ito dahil may sobrang lakas na bumangga rito. Dahil nga sa lakas ng hampas ay napakalayo na ng kinalagyan nito at muntik pa itong tumilapon.

The Missing Daredevil's QueenWhere stories live. Discover now