Chapter 53

34.9K 624 17
                                    


Goodmorning everyone! Natapos ko na ito kagabi kaso natulugan ko lang..:) This is chappy is dedicated to PJaniell for the super floodvotes na gumising sakin! Hehe! Keep on voting en giving your comments guyz! Baka matapos ko na agad ito..hehe..more or less 2 chaps pa...depende kung wala ng maisip si ako! Hihi!.Enjoy Reading guyz! Mwuah! Loveyouall!;)

Kristan's POV

"Make sure na mahigpit ang seguridad mamayang pagtitipon. Celvin you are in charge in securing the perimeter."

Kasalukuyan akong nagbibigay ng detalye kina Celvin. Narito kami ngayon sa salas at seryosong nagpaplano.

"Clear as water boss", sagot naman ni Celvin.

"Okay na ba mga pagkain? Dapat magkaiba ang buffet para sa mga bata. Pakidouble check ang chocolate fountain."

Mula sa seryosong usapan ay napalingon ako sa gawi ng asawa ng marinig ang tinig nito.

Napasipol ako ng makita ang seksing seksi na asawa. Kagaya ko ay busy rin itong nagbibigay ng instruksyon kina Inday.

Nakasuot ito ng maiksing short at maluwag na blouse pero may kaiksihan. Kaunting taas lang ng kamay nito ay kita na ang pusod nito.

Holycow...ang hot ng misis ko...

"Boss! Matunaw!", kantyaw nina Celvin na kanina pa pala pinag-aaralan ang reaksyon ng boss nila. Kitang kita nila kong paano nito pagnasaan ang asawa.

"Tch. Asawa ko yan!", mayabang na sabi ko.

"Aysus!!!", kantyaw nila.

Nang lumakad sila sa tapat namin ay sumipol ako ng mas malakas kaya naman napatigil ang asawa at kunot noong lumingon. Kinindatan ko siya at saka ngumisi.

"Woahhhh!!!!", kantyaw naman ng mga kasama ko.

"Anong nakain ng aking mahal na mister?", taas kilay na tanong ng asawa habang papalapit sa amin pero nakangiti naman.

"Hmmm...Wala nga eh. Diet tangna! Pakainin mo naman ako misis", malokong sabi ko rito.

Namula naman ito sa sinabi ko.

"Ayy kawawa naman pala si Bosing oh. Tagtuyot! Hahaha!", pangangantyaw ni Gab  kaya naman binigyan ko siya ng nakamamatay na titig.

"Ahehehe...sabi ko nga tatahimik na ako", pagkuway bawi nito sa binitawang joke.

"Tch. Misis naman kasi. Sabihin mo na kay Baby Monique na matulog na siya sa kwarto niya. Aba! Isang linggo na akong diet!", reklamo ko at hinaklit siya kaya naman napaupo siya sa kandungan ko.

"Woah!!! Ayus boss!",natatawang sabi ni Brenan.

"Feel that....He misses you so much...."bulong rito at mas dinikit pa ang sarili sa natitilihang asawa.

"Ang landi mo mister", bulong pabalik ng asawa ng makabawi sa pagkabigla.

"Pffftttt..ikaw eh hin-

"Wazzzuupppp Madlang People??!!!!!"

Literal na napatigil kaming lahat dahil naagaw ang attention namin ang ubod lakas na boses ng anak.

Kung minsan, nagtataka ako kung saan ito nagmana kasi ang sakit sa tenga ang boses ng anak. Ayy! oo nga pala! Bakit ko makakalimutan eh sakit sa tenga din pala ang boses ng misis ko.

Pffffttttt...huwag niyo akong isusumbong ha? Atin-atin nalang. Naku kapag nalaman to ng misis ko lalo akong madadiet nito.

"Oh princess...anong meron?", nakangiting tanong ko rito.

The Missing Daredevil's QueenWhere stories live. Discover now