Chapter 48

30.7K 523 12
                                    


Ayon nakapag-update din! Hihi..This chappy is dedicated to willyoumerryme.:) Ihhh..Kelan kaya may magtatanong ng ganyan saken..hahaha..:) Anyway highway...thank you sa lahat ng mga nagvovote at nag-bibigay ng comments...I love you all. Thank you din sa mga naglalagay ng SDG sa kanilang reading list..I really appreciate it so much..dahil jan ay patuloy lang sa pagtaas ang reads! Yihhh! Uunahan ko na kayo...Bitin!..Haha...Enjoy reading!:)

Bea's POV

Nakalimutan ko na ang takot ko sa pagsakay ng helicopter dahil mas nangingibabaw ang kabang nadarama ko para sa kaligtasan ng anak.

"Diyos ko..hindi ko po kakayanin kapag may mangyaring masama sa bunso namin. Sana po iligtas Niyo po siya..Nagmamaka-awa po ako..."

Tahimik lang akong nananalangin ng maramdaman ko ang marahang pagpisil ng asawa sa aking kamay. Hindi ko na mapigilan ang pagbalong ng luha ko kaya naman niyakap ako ng asawa.

"B-babe...ang baby natin...", sabi ko rito at hindi na napigilan ang luha at tuluyan na itong nag-uunahang bumagsak.

"Shhhh...Maliligtas natin siya babe..pangako iyan...", pang-aalo naman ng asawa.

Hindi kami bumaba sa mismong lugar kung saan nila dinala ang anak.

Mahahalata daw kasi iyon ng kalaban at baka malagay sa peligro ang anak namin. Mula doon ay sumakay kami sa sasakyan papunta sa hideout nila.

Isang kilometro mula roon ay tumigil ang sasakyan namin at agad silang nagsibabaan.

"Men....at exactly 1800 ay sabay sabay tayong lumusob. Celvin sa bandang kanan kayo. Mark sa pamunuan mo ang papunta sa kaliwa at Brenan umikot kayo"

"Sir yes sir!", sabay sabay nilang sagot.

"Hindi dapat tayo mag-aksaya ng oras dahil buhay ng anak ko ang nakasalalay sito. Now, men move!", puno ng awtoridad na utos ng asawa ko.

"Copy that sir!", sagot nila bago mabilis na nagkanya kanya na ng direksyong tinahak. Mayroon palang team ang bawat isa.

Habang ang grupo ni Gab naman ang natira na kasama namin.

"Babe....I really need you to stay here...",seryosong sabi nito sa akin.

"N-no please....", agad kong kontra dito.

"Babe...delekado ang pupuntahan namin. Ayokong may mangyari  masama pati sa iyo. Intindihin mo naman ako. Hindi ako makakapagfocus sa pagligtas sa anak natin kung iisipin ko pa pati kaligtasan mo.", pagpapatuloy nito.

Aaminin niya medyo nasaktan siya sa sinabi nito dahil parang sinasabi nito na isa lamang siyang sagabal sa operasyong isasagawa nila para maligtas ng anak.

Kaya naman wala sa sariling napatango na lamang ako.

"Thank you for understanding babe...", sabi ng asawa saka ako mabilis na hinalikan sa labi.

"Dito kalang..Huwag na huwag kang aalis....", iyon ang huling sinabi nito bago sila tuluyang tumulak.

Pagkalipas ang dalawang minuto ay hindi na ako mapakali sa knaroroonan ko.

"Lord...huwag niyo pong pababayaan ang mag-ama ko...", tahimik kong usal habang hindi mapakali at patuloy lang ang paglakad ng pabalik balik.

Bang.....

Bang.....

"Ohmygod!", napakislot ako habang patuloy ang pagpalitan nila ng putok.

"I'm sorry babe..but I need to make sure that our baby is okay. Hindi ako matatahimik dito..", sabi ko saka tinahak na ang daan na pinasukan kanina ng asawa.

The Missing Daredevil's QueenWhere stories live. Discover now