Chapter 57

35.1K 674 20
                                    

Kristan's POV

"My company is one of the rising companies. Who knows baka kami na ang papalit sa mga Steeve di ba? Hahahaha"

Mula sa pagkikipag-usap sa anak kanina ay nabaling ang pansin ko sa lalaking may tama na ata ng alak.

"Who is that jerk?", tanong ko kay Mr. De Chavez habang nakatingin sa lalaking kasalukuyang nagyayabang ngayon.

"Siya si Leon Castillo of Castillo Group of Companies. They are into restaurants. Siya ang mahigpit kong kalaban. Napadumi niyang maglaro. Ilang beses na niyang sinulot ang mga investors ko for expansion",galit na wika nito.

"Hmmm..interesting...Matagal na ba sila sa business?", curious na tanong ko.

"Ngayon lang ho sila sumikat Mr.
Steeve pero kung umasta siya ay akala mo kung sinong mataas na. Porket nakuha nila ang  mga Vallejo bilang investor niya kaya nagkaroon sila ng expansion sa buong Asia."

"Vallejo....? "

"Yes Mr. Steeve ..Si Mr. Richard Vallejo. Iyong may asawang batang bata. Balita ko ay may relasyon si Leon Castillo at  ng asawa ni Mr. Richard Vallejo kaya naman nakuha niya ito bilang investor dahil narin sa udyok ng batang asawa nito. Walang kaalam alam ang matanda na niloloko na siya ng asawa niya."

"Ayy see..Honestly, wala akong paki-alam sa kanya. Basta ba huwag lang siyang magkakamaling banggain ako..",nakangising sabi ko.

~

Brenan's POV

"Hey! I'm back na! Look what I found out! We also have cheque pala like you!", excited na sabi ni Monique saka winagayway ang cheque na hawak nito.

"C'mon guyz! Let the fight begin?!", sigaw ng ilang bata.

"Yeah that's right?!", segunda naman ng ilan.

"How much is your money ba?!", masungit na tanong ni Kimmy.

"I only got 100 Million eh. Is that fine with you?", nag-aalangang tanong ni Monique.

Putcha! Lintik na mga batang ito ah. Ginawang barya ang milyones ng mga magulang nila.

"W-what?! Why so malaki?!", kontra ni Kimmy.

"Bakit? Wala kayong 100 Million no? Kala ko ba mayaman kayo?", nang-aasar na wika ni Monique.

"Fine!", sabi nito saka nagsulat doon sa cheque.

"Psssttt....Hoy Nano! Lika rito!", tawag ko kay Nano at lumapit naman ito.

"Yes?"

"Magkanu naman parte ko jan?", tanong ko rito.

"Wala ka namang pusta eh!",nakalabing sagot nito.

"Hanu?! Hindi pwede! Ako lalaban kaya dapat meron din ako!", reklamo ko rito.

"Okay! Akin na muna wallet mo?!"

"Oh eto!", sabi ko sabay abot ng wallet ko rito.

"Wow! You have cash! Utangin ko muna 5,000 mo. Pag nanalo ka babayaran kita ng 10,000.00. Ayos ba?", nakangiting tanong nito.

"Aba ayos ah! Deal! Magkakasundo tayo jan!"

At nag apir pa kami.

"Galingan mo ha?", sabi nito sa akin

"Oo naman! Basta iyong 10thousand ko ha?"

"Oo ako bahala! Basta manalo tayo ha?"

"Nakow! Sisiw yan! Itutumba ko silang apat. Hahaha!"

The Missing Daredevil's QueenOù les histoires vivent. Découvrez maintenant