Chapter 39

38K 748 41
                                    

Sorry Guyz sobrang busy lang sa work. Promise babawi ako...matapos lang ang  hectic sched ko babawi ako...I love you all guyz!:) Ginawa ko ito habang sakay ako ng bus. Haha! Kaya very short lang siya.

Celvin's POV

"Babe kain ka pa. Namamayat ka na"

Spell NGANGA!

C-E-L-V-I-N, M-A-R-K, G-A-B, B-R-E-N-A-N.

Hindi na namin halos nagagalaw ang pagkain namin dahil nakatulala lang kami kay boss habang sinusubuan si Bea na katabi nito. Halos magtwinkle na ang mga mata ni Boss habang masayang nakatitig kay Bea.

At take note ha?! Iisa lang ang plato at kutsara na ginagamit nila. Iwwww lang! Pero imbes na mandiri ay tuwang tuwa pa si Boss!

"Ano ba yan babe! Busog na busog na ako! Ikatlong plato na ito ah!", reklamo ni Bea.

"Babe ano ka ba?! Ang payat payat mo na kaya kumain ka ng marami", sabi ni boss at sinubuan ulit si Bea.

"Daddy you are so sweet.....", natutuwang sabi naman ni Xander.

"I know son...ayos ba?", tanong nito sabay kindat sa anak.

Humagikhik lang si Xander bilang sagot.

"Babe ano ba yan may kalat sa mukha mo", sabi ni Boss.

"Saan?", tanong naman ni Bea.

Tsup!

Double level ang tulala effect namin matapos halikan ni boss si Bea malapit sa labi!

"Ayan! Wala na babe. Nilinis ko na", nakangiting sabi ni Boss.

"Ano bang nakain mo babe?", nagtataka namang tanong ni Bea habang ngumunguya.

"Bakit mo naman natanong iyan?", hindi parin mapunit ang ngisi sa labi ni boss.

"Kasi babe gusto ko ulit ipakain sa iyo para palagi ka nalang ganito sa akin. I feel like I'm the most beautiful queen in the universe", nakangising sabi Bea.

Sabay sabay pa kaming napangiwi pagkarinig sa sinabi nito.

"Haha! Don't worry babe. From now on, I will be the sweetest husband in the universe...."

"Ehhhhh? Anong husband?! Boyfriend palang kita babe noh!"

"In the future...period. Hindi pa kasi ako nagperiod babe kung makareact ka na parang ayaw mo ah", nakangusong sabi nu boss.

Si boss nagpout?!

"Ihhh anebeyen beb..kenekeleg namen eko seyo..Beket kese me ganern eh.", Sabi naman ni Bea at may kasamang hampas kay Boss.

Iwwww? Parang siyang alien sa pagnanalita nito.

"Hahahha...ang lakas talaga ng tama mo sa akin babe noh? Kainis kasi eh! Ang gwapo ko!"

Ehhhh? Kelan na natutong magyabang si Boss? Ang korni ha!

"Ahhahahahahaahah"

Napatingin naman kami lahat kay Monique matapos itong tumawa ng pagkalakas lakas. Sapo pa nito ang tiyan.

"Hey little princess! Why are you laughing?", tanong ni Boss.

"Eh kasi....Ahahahaha....iyong itsura nila oh? Ahahahaha..ang pangit! Nakanganga pa sila! Hahaha...Tas their eyes is so big! Super big!", natatawang sabi ni Monique na ang tinutukoy ay walang iba kung hindi kami.

Tumingin naman sa amin sina Boss.

"Oh bakit ba kasi kayo nakanganga jan?", tanong ni Boss sa amin.

Nagkatinginan kaming apat at nakita naming nakanganga kami pare-pareho. In just a cue, sabay sabay naming sinara ang aming mga bibig.

"May malala atang sakit si Boss", bulong ko.

"Baka naman may taning na siya", sagot bulong ni Brenan.

"Tch. Anong binubulong bulong niyo jan?!", paasik na sabi ni Boss.

"Wala boss", sabay naming sagot ni Brenan.

"Bakit di niyo pa ginagalaw ang mga pagkain niyo?", tanong ni Boss.

"Ah eh...hehe. Kakain na boss.", sabay sabay pa kaming humarap sa plato at sumubo na ng pagkain.

"Tch. Siyanga pala babe sa kwarto ko kana mtutulog simula mamayang gabi", sabi ni Boss.

"Haaaaaa?!!!!!"

Sabay sabay pa kaming nabulunan matapos sabihin iyon ni Boss. Kaya umani kami ng ilap mula rito.

"May problema ba kayo don sa sinabi ko?!", supaldong sagot ni Boss.

"So-sorry boss",hinging paumanhin na  sabi namin.

"Ha? Tatay ako rin po!",sabi ni Monique.

"Princess pinagawan na kita ng sarili mong kwarto malapit sa kawarto namin. Katabi ng saiyo ay si Kuya Xander mo. You are already big girl now kaya wag kana tumabi kay Nanay ha?", pang-uuto ni Boss.

"Ha? Eh hindi pa po ako sanay Tatay eh na hindi kasama si Nanay na matulog", malungkot na sabi ni Monique.

"Baby naman. Masasanay ka rin. Pinagawan kita ng napakagandang kwarto tiyak magugustuhan mo iyon", sabi pa ni boss.

"Lil sis..it's okay. Like me, I already have my own room coz I'm a big boy now. Right Daddy?", segunda naman ni Xander.

"Very right son.....", sabi naman ni Boss.

"R-really? Will you be fine Nanay?", tanong ng bata sa sa ina.

"Ano ka ba anak. Malamang Yes na Yes! Hihihi", sabi ni Bea.

"Tch. Nay magpakipot ka naman ng kaunti!"

"Tch! Hindi na uso ang pakipot sa panahon ngayon nak! Eto na oh! Sa wakas natauhan na rin si Babe sa alindog ko!"

"Hayy grabe ka naman Bea. San banda ang alindog mo? Hindi ko makita!", sarkastiko kong sabi rito.

"Hindi mo kita?! Grabe may tama na ang mata mo tol! Dapat patingin ka na sa Doctor!",  natatawang sagot ni Bea.

"Tsss...Sige lang. Naiintindihan kita. Libre ang mangarap! Haha!", kantyaw ko pa.

"Babe oh! Inaasar ako ni Celvin!", sumbong niya kay Boss.

"Pshhh!!!! ASA?!!! Asa naman siyang papatulan siya ni Boss sa kanyang trip", bulong.

"Oo nga pupusta ako hindi iyan. Mapapahiya lang yan", sagot na bulong ng katabi kong si Gab.

"Pffffttttt Hahahaha", sabay pa kaming natawa.

"SHUT UP! BAKIT NIYO NILOLOKO ANG BABE KO HA?! PATAPON KO KAYO SA PLUTO EH?!"

Muntik na kaming mahulog sa upuan namin matapos sumigaw si Boss.

"Langya tol...malala na nga si Boss....", naiiling na sabi ko nalang.

"Malakas ang kutob ko pare kinulam siya ni Bea. Mangkukulam si Bea tol?!", komento naman ni Gab.

~

The Missing Daredevil's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon