Chapter 22

27.9K 573 19
                                    

This chappie is dedicated to @dhanafrancheska..as promised..update for today...ayan malapit na tayo sa katotohanan kaunting push nalang...:) Enjoy reading!:)

Mr. William Steeve's POV

"Cynthia....anak natin ang pinag-uusapan natin..At gusto mong ilihim natin sa kanya na buhay ang asawa niya at pati ang katotohanang may isa pa siyang anak na naghahanap ng pagmamahal ng isang ama...", hindi makapaniwalang sabi ko.

"I know William...Magagalit siya dito pero paano naman si Megan? Wala siyang maalala sa nakaraan. Sa tingin mo kapag nalaman ng kalaban na buhay ito hindi siya babalikan? Baka madamay pa ang apo nating si Monique...Alalahanin mong nasa tabi lang ang may kagagawan nito...."

"Ipapadampot ko siya sa mga pulis at sisiguraduhin kong hindi na siya makakalabas pa...",galit na sabi ko.

"William...nakalimutan mo atang maimpluwensya din ang pamilyang nanggalingan ni Janine...."

"Pero mas maimpluwensya ako...."

"Hayyy naku....ang hirap mo namang paki usapan eh!! Sige nga paano.mo siya madidiin kung wala tayong ebidensya kuntra dito? Hintayin nating bumalik mismo ang ala ala ni Megan para siya ang magdidiin kay Janine!!!"

Hindi ako makapagsalita ng makita ang punto ng asawa. Paano ang pamilya ni Megan? Sobrang nalungkot sila ng akala nila ay namatay na ito.

"Malalaman din nila pagdating ng tamang panahon pero hindi pa ngayon dahil nasa paligid lang ang panganib."

"Magtatalaga ako ng magbabantay sa mag-ina ng palihim..Ang inaalala ko lang ay si Kristan....hindi ko alam kong paano niya ito matatanggap...Ang mabuti pa ay dito na kayo tumuloy sa mansiyon...."

"William...hindi ko basta basta maiiwan ang mag-ina..."

"eh di isama mo sila...",pamimilit ko dito.

"At ano ang sasabihin ko sa kanila? Tara at lilipat na tayo sa mansiyon dahil  nakalimutan kong sabihin sa.inyo na mayaman ang asawa ko.Ganoon?", sarkastikong sabi ng asawa.

"Ayst...eh paano ako?", nakangusong sabi ko.

"Tumigil ka William...ang tanda tanda na naten eh..."

"Anong matanda...ang ganda ko.paring lalaki kaya....", sabi ko.

"Aysus.....ewan!!!"

"Tch"

"Huwag kang mag-alala at gagawan natin ng paraan. Kailangang tumira sa iisang bahay ang mag-asawa. Ako nalang ang bahala sa apo ko kung sakali."

"Malapit ng matapos ang bakasyon. Uuwi na sila Kristan sa Manila. Paano na sina Megan este Bea at Monique....."

"Iyon na nga eh...Dapat makumbinse natin si Kristan na kunin si Bea na Nanny ni Xander para isama nila papuntang manila si Bea..."

"Sige...I'll see what I can do...."

Marami pa kaming pinag-usapan hanggang sa gumabi na at kailangan ko na silang pauwiin. Ayaw ko sanang hayaang umalis ang asawa pero pinanlakhan lang ako nito ng mga mata.

~

Bea's POV

"Ito ba ang uwi ang matinong Lola?"

"Pffffffttttt", hirap na hirap kong pigilin ang mapahagalpak sa tawa ng sabihin iyon ni Monique kay Tita Cyn na kararating lang.

"Ah eh...apo..kasi...namasyal kami ni Ma'am Manager mo...alam mo na...", kumakamot na sabi nito.

"Lola...anong oras na po?"

"11 o'clock na apo..."

"at ano pong sinabi niyo kanina sa akin na oras ay dapat nandito na kayo?"

"Alas nueve apo....."

"Lola uli uli huwag kang umuuwi ng ganitong oras kasi baka hindi mo alam ang pwedeng mangyari sa inyo sa labas....buti sana kung bata kayo madali lang palitan pero ang problema eh matanda na kayo mahirap kayang palitan ang matanda it take years

..ilang taon na kayo Lola?"

"50 lang naman ako apo eh..hindi pa naman ako ganoon katanda..", nakangusong sabi ni Tita Cyn.

"Matanda na kayo Lola... bakit hindi niyo kayang tanggapin..mahirap kayang mag-antay ng 50 years para palitan ka sakaling mawala ka..."

"Pffffftttt tama na nga iyan...ang mabuti pa ay matulog na tayong lahat. Ikaw Monique ang bata bata mo pa napakalate mong matulog..", panenermon ko sa anak.

"Eh inay hinintay ko kasi si Lola baka kung ano ng nangyari sa kanya sa labasan eh. Matanda pa naman na siya....", sagot ng anak.

"Apo naman eh...hindi pa nga ako matanda eh..Ang lakas lakas ko oh...at saka maganda parin ako...",nakangusong sabi ni Tita Cyn

"Tingnan mo Nay? Sumasagot pa siya eh pinapagalitan ko na nga......"

"Oo nga- ayy este...naku...ikaw talagang bata ka....halika na nga at matulog na...kaya ka napagkakamalang unano eh..ang bata bata eh parang matanda magsalita....."

"Hahahaha...goodnight Lola....goodnight Nanay...."

"Goodnight apo...ahhh Bea...pwede ba tayong mag-usap?",tanong ni Tita Cyn.

"Sige po Tita...patutulugin ko lang itong anak ko...."sabi ko dito.

Dahil nga gabi na rin ay madali ko namang napatulog ang anak. Naghintay pa ako ng ilang sandali saka na lumabas.

Nakita ko si Tita sa may salas namin na gawa sa kawayan at humihigop ng kape. Napansin niya akong tumungo sa mesa at nagtimpla rin ng kape saka lumapit dito.

"Alam mo kasi hija ay nagkausap kami kanina ni Delia....",umpisa nito.

"Tungkol saan po Tita?", tanong ko dito saka humigop ng kape.

"Ahh kasi naghahanap sila ng mag-aalaga kay baby Xander...lalo at patapos na ang bakasyon...isasama nila sa Manila para may titingin sa bata. Alam mo naman busy kasi ang ama nito at napapabayaan na nito ang anak..Naaawa nga ako sa batang iyon eh."

"Oo nga po...nakilala ko na ai Baby Xander....napakagwapong bata..magkamukha nga ang mag-ama eh...nalulungkot din ako para dito....ehh sino po ba ang nirekomenda ninyo?", curious na tanong ko saka humigop ng kape.

"Ikaw...."

"Jsjdjdjdjdmdj",napabuga ako ng wala sa oras ng sabihin nito iyon.

"Okay ka lang ba hija?",nag-aalalang tanong nito sa akin.

"Tita naman....alam mong kahit jowa ko ang tatay non at gusto ko ang bata eh iiwan ko na ang anak ko dito...never..", ang sagot ko.

"Ano bang maiiwan eh sasama naman kami sa Manila ni Monique eh..kaya lang hindi doon sa mansiyon na tutuluyan mo pero malapit lang naman kaya madadalaw mo parin ang anak mo. Doon ko na rin pag-aaralin ang anak mo..."

"Nakakabigla naman po ang desisyon na ito Tita..."

"Ito nga kasi ang dahilan kung bakit ako late na nakauwi dahil pinag-usapan namin ito nina Delia at Jerson. Magtatayo kami business doon sa Manila...kaya tatlong araw mula ngayon ay lilipat na tayo. Magsimula ka ng mag-ayos ng gamit natin. Ikaw sasama ka kina Kristan paluwas dahil nga aalagaan mo si Xander....at susunod naman kami ni Monique...."

~

The Missing Daredevil's QueenWhere stories live. Discover now