Chapter 26

29.4K 585 15
                                    

Celvin's POV

"Nanay!!!"

Masayang salubong ni Xander kay Bea at agad yumakap dito pag apak nila sa helipad kasunod si Gab.

"Baby Xander!!!", masayang sagot naman ni Bea saka niyakap rin pabalik si Xander.

"Tsss...nagpapa-importante pa kasi eh. May pasundo sundo pang nalalaman", bulong naman ni Janine pero wala nalang nagkomento sa sinabi nito.  Kahit kailan talaga napakabitter ng babaeng ito.

Hindi nagtagal ay bumungad narin si boss pero nakapagtataka dahil parang may kung anong aura ito na hindi ko maintindihan.

"Tara na....", ang maikling wika nito.

Nagkanya kanya na kaming sakay.  Nasa harap si boss na hanggang ngayon ay tahimik parin.

Magkakatabi naman si Gab, Brenan at si Janine. Habang sa kabila naman ay ako, Mark at sa pagitan namin ay sina Xander na ayaw tumabi sa ama at mas ginusto ang umupo sa kandong ni Bea.

Napansin kong pumutla ang mukha ni Bea ng magsimulang lumipad na paitaas ang aming sasakyan.

"Are you alright?!", kunot noong sigaw na tanong ko para marinig niya. Napatingin naman sa amin si Boss sa tanong ko.

"Y-yeah....", pilit na ngiting sabi nito.

"Nanay, ang lamig naman po ng kamay mo! Are afraid of height too?!", sigaw din na tanong ni Xander.

"Oo yata...",  hindi siguradong bulong nito.

Napatanga naman kami ng bigla itong paliguan ng halik ni Xander sa mukha.

"I'll kiss your anxiety away Nanay..just like what Daddy did to Mommy everytime we  rode helicopter going to the island. Daddy would always kiss Mommy  in the lips torridly to keep Mommy calm until we reach our destination!", masayang sabi ni Xander saka patuloy lang sa paghalik sa mukha kay Bea.

Hindi naman kami makapagsalita matapos niya iyong sabihin. Nabalot ng katahimikan ang sasakyan.

"Tch...", narinig naming sabi ni boss mula sa harap.

Ayaw na ayaw nito na may makapag-papaalala sa namayapang asawa dahil tiyak na magwawala ito kaya naman hindi nalang sila nagkomento.

"Yay...ang sweet naman ng baby Xander ko. Hala kiss mo pa ako dali...",tuwang tuwa na sabi ni Bea na sinunod naman ni Xander.

"Hahahhaa",tawang tawa ito dahil napapaliguan na siya ng laway ng bata. Imbes na mainis ay talagang natatawa pa ito.

"Pwe...nanay ang pangit ng lasa ng mukha niyo.. Lasang chemicals ...", reklamo ng bata pero matuloy parin ang paghalik pero nakasimangot na si Bea.

"pfffffftttttttt",pigil na tawa namin.

~

Cynthia's POV

"Wow lola ang laki po ng bahay. Kaninong bahay po ito?"

Natatawa ako sa apo kong kanina pa paulit ulit ang sinasabing paghanga sa mansiyon. Paano pa kaya pag nakita nito ang mansiyon ng ama nito sa Manila? Kung malaki ang mansiyon sa isla ay mas malaki pa ang mansiyon na pinatayo doon ni Kristan para sa kanyang pamilya.

" Sa anak ko apo....regalo niya ito sa kanyang asawa...", sagot ko dito

" Wow...ang yaman naman pala ng anak mo Lola.. eh bakit mahirap po tayo? Bakit maliit lang po ang bahay natin?", tanong ulit nito.

"Eh kasi apo may gustong manakit sa Lola mo kaya kailangan kong magtago at lumayo muna sa anak ko", paliwanag ko dito.

"Wow...ang dami pong pinto. Pwede ko po bang tingnan ang loob ng kahit isa lang po?"

The Missing Daredevil's QueenWhere stories live. Discover now