Chapter 24

27.7K 558 8
                                    

Bea's POV

"Anak...magpakabait ka...huwag kang makulit ha? Para hindi mahirapang mag-alaga sa iyo si Lola....Tandaan mo ginagawa ng Nanay ang lahat para sa kinabukasan mo. Mag-aral kang mabuti at subukan mong magtapos ng kurso. Mamimiss kita anak huwag kang mag-alala at susulat-

"Duh! Nanay! Hindi ka po mag-aabroad! At saka mauuna kalang ng ilang oras paluwas ng Manila susunod naman po kami agad ni Lola noh!", nakangusong sabi ng anak habang pinapanuod akong mag-empake.

"Ayy kainis naman anak! Hindi pa ako tapos sa speech ko eh! Hayaan mo na ang Nanay. ", nakangusong ring sabi ko.

"Ikaw ang magpakabait doon Nanay knowing you madami kang mga palpak.. nakakahiya kay Tatay Pogi. Wala pa naman ako doon para pagsabihan kayo kapag napapanganga kayo sa harap niya. Nakakahiya iyon Nay...", ang sermon ng anak.

"Opo anak. Tatandaan ko iyan.",sabi ko.

"Hay naku....tama na iyan. Kayong mag-ina talaga..Nariyan na ang sundo mo Bea,lumabas ka na riyan.",natatarantang sabi ni Tita Cyn.

"Opo Tita....",sabi ko saka dali-daling sinara na ang lumang bag na pinaglagyan ko ng mga damit at binitbit palabas habang nakasunod lang ang anak.

~

Kristan's POV

Nasa harap ako ngayon ng bahay nina Bea. Kinulit kasi ako ni Papa na sunduin na ito para sabay na kaming lahat magpunta sa helipad ng mansiyon. Naroon na kasi ang sasakyan naming helicopter.

Kanina pa ako rito pero wala man lang lumalabas pero nakakarinig naman ako ng boses mula sa loob. Maliit lang ang bahay nila.

"Babe?!"

Napangiwi pa ako ng biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Bea.

"Tatay Pogi?!"

Awtomatiko namang napangiti ako ng may cute na cute ang yumakap sa akin. Pumantay ako dito at saka ginulo ang kulot na kulot nitong bulok.

Just like my wife.....

Napatulala naman ako ng nagsink in sa utak ko ang mukha ng asawa at saka kunot noong tinitigan ang bata

"Babe....matunaw naman ang anak ko sa klase ng titig mo....."

Nabaling ang tingin ko kay Bea.

"S-sigurado kang anak mo siya?", tanong ko dito.

"Ikaw naman babe ..kahit saang banda tingnan ay anak ko siya ano. Magkamukha kaya kami....", nakangusong wika nito. Umikot ang mga mata ko sa sinabi nito. Saang banda naman kaya sila magkamukha ng bata?

"Tch..oo nalang...". Baka naman ampon ito at ayaw lang aminin ni Bea kasi nga nakikinig ang bata. Pero sino ang mga magulang nito? Bakit kamukha ata ng asawa ko? Hindi kaya malayong kamag-anak ng asawa ang bata? Ipapabackground check ko nga kay Celvin one of this days....

"Princess....okay lang ba sa iyo na malayo sa iyo ang Nanay mo?", tanong ko dito.

"Ayoko po Tatay pogi...malulungkot po ako pag ganun.....",seryosong sagot ng bata

"Eh paano na iyan sasama na paluwas sa amin ang Nanay mo..sino ang mag-aalaga sa iyo?", tanong ko ulit dito. Nagtaka naman ako ng imbes na malungkot ito ay bumungisngis pa ito.

"Eh susunod naman po kami ni Lola mamaya Tatay pogi eh kaya hindi po kami magkakalayo ni Nanay. Titira na rin po kami sa Manila kasi po magbubukas daw po ng business doon si Lola. Sabi po ni Nanay eh bibisitahin niya naman po ako doon", masayang sabi nito.

"May Lola ka pala. Asan siya?  Pwede ko ba siyang makilala?", tanong ko dito.

"Sige po....saglit lang po Tatay pogi at tatawagin ko si Lola.",excited na wika nito.

The Missing Daredevil's QueenWhere stories live. Discover now