Chapter 43

37.6K 637 28
                                    

~

Kristan's POV

"Kindly explain kung para kanino ang mga damit na ipinagawa mo ha Kristan?!"

Mula sa binabasa ay nabaling ang atensyon ko sa taong kararating lang at may hawak na dalawang malaking kahon.

"Tch. You will meet them today..Teka at ipapatawag ko lang sila kay Inday", sabi ko rito.

"Inday! Pakisabi nga kay Bea at bumaba rito kasama si Monique.", utos ko.

"Masusunod young master"

"Bea? Monique? Sino naman sila ha? Talaga bang pinalitan mo na ang bestfriend ko sa puso mo? Siguraduhin mo lang na kasingganda siya ng bestfriend ko kundi kakalbuhin ko iyang babae mo?!", inis ba sabi nito.

"Pffffttttt It's up to you to find out. Who knows baka pasalamatan mo pa ako balang araw", makahulugang sabi ko.

" Naku...ang dami mong kaartehan sa katawan"

"Anyway, make sure na dadalo sina Mommy at Daddy ha?", pag-iiba ko sa usapan. Ang tinutukoy ko ay ang mga magulang ng asawa ko.

"Oo naman. Pupunta sila."

"Tatay?!"

Sabay pa kaming napatingin ni Jeffa sa pinanggalingan ng tinig at nakita ko kung paano napatulala si Jeffa matapos makita ang anak na si Monique.

"Ohmygosh! What's the meaning of this?! Bakita kamukha iyan ng bestfriend ko?! At bakit tatay ang tawag niya sa iyo?!", shock na shock na sabi nito.

"Sino po siya Tatay?", tanong ni Monique.

"He's a friend princess...say hi to him...", nakangiting udyok ko rito. Nahihiya pa itong lumapit kay Jeffa at saka ngumiti ng matamis.

"Huhu! Naiiyak ako bwiset! Kamukhang kamukha niya ang bestfriend ko! Namimiss ko tuloy siya",sumisinghot na sabi ni Jeffa.

"Hello po! Huwag na po kayong umiyak. Pangit na nga kayo eh di kumusta ka naman ngayon niyan? Eh di mas pumangit ka pa po"

"Ehhh? Kita mo! hindi lang pala mukha lang sila may pagkakapareho pati ang ugali?!"

"Pfffffttttt...baby where's Nanay?", tanong ko sa anak.

"She's upstairs pa po Tatay. Ang bagal niya po kasi bumaba sa hagdanan eh kaya nauna na po ako. Hawak hawak niya po ang balakang niya. Tapos narinig ko pong masakit daw po iyong down there. Ano pong down there Tatay?"

Narinig kong napasinghap  si Jeffa sa sinabi ng anak.

"Ikaw Kristan?! Kung ano ano ang sinasabi ng bata?! Sino ba kasi iyan at gusto ko siyang makilala?!"

"Babe?!"

~

Jeffa's POV

Kitang kita ko kung papaano kuminang ang mukha ni Kristan matapos makita ang babaeng abnormal ang mukha. Nakakaduda naman ang babaeng ito.
..

Bakit feeling ko pamilyar ang boses nito?

Unang kita ko palang ay alam ko ng may hindi tama sa mukha nito. Artist ako! Alam ko kung ano ang natural at artificial.

Ano kaya ang tinatago ng babaeng ito?

Pinakilala kami ni Kristan sa isat isa pero tahimik lang akong nagmamasid sa kanila habang masaya silang nag-uusap.

Hindi ko alam pero parang may pilit binubulong ang puso ko pero hindi ko magets.

"Tita Ganda?!"

The Missing Daredevil's QueenWhere stories live. Discover now