Kabanata 12

3.3K 225 74
                                    

Fear

"Sabi ng Tita Alvira mo, malaki naman daw ang kikitain ng lupa kasi developed. Mahal daw ang bayad. Kaya pinapabilis na nila ang proseso ng mga papeles sana."

Hindi umuwi si Tatay kagabi. At wala akong narinig na kahit ano mula kay Nanay tungkol dito. Imbes na pag-usapan ang hindi pag-uwi ni Tatay o hanapin siya ay ang lupa na naman ang bukambibig niya.

"Pero 'yon nga, ayaw ng Tatay mo. Hindi ko naman alam kung bakit ayaw niyang ibenta."

"Magulo na naman siguro kahapon," mahinang saad ko.

Narinig ko ang butong-hininga ni Nanay mula sa aking sinabi.

"Magulo nga, tama. Kaya minabuti ko na lang na ipapunta ang mga kapatid mo sa ibang bahay. Kaysa naman makita nila ang gulong nangyayari rito nang dahil lang sa lupa."

Ayaw ko mang sabihin, ngunit ako ay nagiging iritado na rin sa inaasta ni Tatay. Hindi lang sa kadahilanang hindi niya naman pagmamay-ari ang lupa, pati na rin ang pagtatanggi niya sa amin ng magandang kinabukasan.

Kung mabebenta ang lupa at totoong malaki nga ang bayad, siguro ay maaari nang hindi na ako magtrabaho. Maaaring may negosyo na kami. At maaaring guminhawa nang kaonti.

"Bakit daw po ba kasi tutol si Tatay?"

"Sayang daw. At pwede pang lumaki ang presyo pagdaan ng ilang taon."

I rolled my eyes at that.

Sometimes, I really think that my father hates us.

Ayoko namang isipin na may iba pang dahilan na siya lang ang nakakaalam at nililihim sa amin. Pero sino ba ang may ganang makinig sa rason na 'yan? Kahit gaano kalaki ang pera, kung hindi ka naman marunong gumastos, wala ka ring mapapala.

Hindi rin naman namin kailangan ng napakalaking pera ngayon. I just really want us to breathe. While it's true that I want to get filthy rich, I want to do it on my own.

Maybe then, I won't have to try so hard to fit in. Because I can actually now fit in.

I smiled at the thought.

"Hindi naman na natin kailangan ng napakalaking pera. Ang akin lang, 'yong makapag-aral kayo na hindi nagtatrabaho."

Pinilit kong ibalik ang atensyon sa pinag-uusapan namin ni Nanay.

"Sa nakikita ko pa lang sa 'yo ngayon, ayaw kong mahirapan nang ganoon sina Alex at Evelyn."

Walang salita ang nanggaling sa akin. Maging ako ay gusto ang kung ano ang dapat para sa mga kapatid. Plano ko na kapag nakapagtapos, ibubuhos ko lahat ng atensyon ko sa pangangailangan nila. Para hindi nila maranasan ang naranasan ko.

Ayoko silang maghirap. Gusto kong maging magaan naman ang buhay nila, kahit papaano.

"Papayag din 'yan si Tatay," sabi ko, kahit na ako mismo ay hindi sigurado sa sinabi.

Hindi na tumugon si Nanay at nakatingin lang sa malayo.

Wala akong alam na gawin dito bukod sa tulungan sila Nanay at Tatay sa munting mga pinagkakakitaan. Maliban na lang sa pagsama kay Nanay sa mga Arcoza. Ayoko nang maulit pa 'yong pamamahiya ni Senyora sa akin.

Napag-isipan kong maglinis na lang ng bahay. Ito na rin kasi ang nakagawian ko simula pa lang.

Abala naman ang mga tao sa labas. Nagsasabit sila ng mga bandaritas para sa piyesta na magaganap sa susunod na linggo. Naikwento rin ni Nanay na may iilang organizer daw ng pageant na gusto akong kunin. 'Yon nga lang, matagal akong nakauwi at hindi pumayag si Tatay.

Shot Through the LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon