Kabanata 30

3.3K 170 17
                                    

Land

The tighter I held on to the things I treasure, the more they slipped away from my hold. Until I can only fall on the ground and wish for the world to stop so I could pick the pieces up before they become one with the wind. Until they are no more. Until I become the pieces myself.

Sa lahat ng paghihirap na dinanas ko, hindi ko kailanman tinanong Siya kung ano ba ang plano Niya para sa akin. O kung may plano ba talaga. Tinuruan ko ang sarili kong mangarap nang mangarap at magsumikap na maabot lahat ng 'yon sa kahit anong paraan.

Ngunit ngayon, habang nakatingala sa kalangitan, napapatanong na lang ako kung ito ba ang buhay na pinangako Niya.

I deserve better than this. I know I do.

"I'm sorry," Sergio embraced me from behind.

Napakapit ako sa kanya. Hindi ko alam kung kailan siya nakaakyat dito sa burol. O kung paano niya ako nahanap.

He did not speak to me since a week ago. Naghintay akong lumingon siya habang papalayo sa akin ngunit dire-diretso lang ang lakad niya tungo sa kung saan. At nang malaman kong narito ang mga Guytingco sa Batanes, pakiramdam ko'y pinagtaksilan niya ako.

Imposibleng hindi niya alam. And in that week, he never showed up to me. I get that he may be hurt over my decision. Lalo na't ako lang ang nagdesisyon at hindi ko siya binigyan ng pagkakataong magsalita tungkol doon. Kaya wala akong karapatan. But it isn't too much to feel pain. Libre naman ang pakiramdam na 'yon, e.

"Bakit ngayon ka lang?" bulong ko, puno ng hinanakit.

"I'm sorry. I'm so sorry," he kissed my hair repeatedly.

Ni hindi ko namalayang umaagos na pala ang mga luha mula sa akin.

"I waited, Sergio. I waited for you. Pero hindi ka bumalik. And now... you're saying sorry."

He softly made me turn to him. His hair grew longer. And her eyes mirrored mine. In pain.

He licked his lower lip, "I'm sorry. I... didn't wanna talk with you because I was afraid I might say the wrong things. I've been selfish. Because I don't want to lose you."

I shut my eyes tightly. I'm afraid of losing you too, Sergio. Kaya ko 'yon ginawa. Kaya ko kakayanin ang lumipad sa kawalan at iasa sa hangin ang pagkakasalo ko. Para sa 'yo 'yon. Para sa atin.

Bakit... hindi mo 'yon makita?

I wanted to say all those to him. But I lost my voice. Hindi ako makapagsalita bukod sa mabilis kong paghinga.

"Patawarin mo 'ko, please," he pleaded.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na nandito ang pamilya ni Sherry sa Basco?" diretso kong tanong.

I was always so insecure of his mother's favor towards Sherry. At kahit alam kong wala si Sherry rito ngayon, kung saan-saan pa rin nililipad ng ideyang 'yon ang isip ko.

He knew that. And yet...

Pinalis niya ang mga luha ko gamit ang dalawang hinlalaki at mataman akong tinitigan. I wanted to look away. But I was drawn to him. Nakakairita. Nakakagalit. Kahit gaano kalaki ang tampo ko sa kanya, isang titig lang, nakukuha niya ulit ako.

"I don't want to assume the worst of you," I said. "But when you left me and you didn't talk to me for a week, hindi ko mapigilang isipin na tinatago mo 'yon sa akin!"

His lips visibly trembled. Umiling-iling siya.

"No, love, please. Hindi ko alam. It was my mom. Siya ang nag-imbita sa kanila. Hindi niya sinabi sa akin."

Shot Through the LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon