Kabanata 1

11K 330 179
                                    

Lucky

Puno ng hiyawan ang gymnasium.

Ininda ko ang pananakit ng hita at buto ko dahil sa split na 'yon. Sinabi ko na kina Leia na hindi ko pa kayang mag-split dahil hindi ako trained para diyan. But she insisted on it anyway.

"Hay, Wave, it's okay! Kaya mo 'yan! Tsaka sayang kung hindi mo gagawin. Crowd favorite ka pa naman."

Tinapik lang ni Ma'am Zai ang balikat ko. Wala na rin akong nagawa. This department assembly performance is important dahil narito ang buong administration. We have to show the school that we're capable of presenting ourselves, kahit freshmen pa kami.

Lalong naghiyawan ang mga tao nang ako naman ang pumalit sa gitna. I danced to the rhythm with a smile on my face.

Hindi ko na napansin ang nakakasilaw na spotlights ng gym. Gusto ko na lang talagang magpahinga. May gagawin pa naman akong report para bukas. At maglalaba pa ako mamaya.

The dance ended with me on the center. Hindi magkamayaw ang palakpakan at tilian ng blockmates at mga kakilala ko na nasa malalapit na bleachers. Umiling lang ako at tumawa, pinipigilang ngumiwi dahil sa sakit ng hita.

"You did well, Wave! Sabi ko naman sa 'yo e, kaya mo!" Ani Leia.

Umirap lang ako pero ngumiti na rin.

Malawak naman ang ngisi ni Ma'am Zai, ang dance instructor namin.

"This is your best performance, so far. Well done!"

"Salamat po! I wouldn't have done this without you."

At hindi rin sana nananakit ang hita ko ngayon.

Nagkibit-balikat siya. "You're good in literally everything. Instructor mo lang ako. I'm sure you'd do well with anyone."

Marami pang naki-congratulate sa performance namin. And as usual, ngiti at maikling "thank you" lang ang sinusukli ko.

Pumasok ako sa locker room at nagbihis. Buti na lang nakapaglaba pa ako ng extrang damit kahapon.

Nakita kong nagkakatuwaan ang iilang freshmen na tulad ko sa gilid. Mukhang nagkakayayaan silang kumain sa labas.

Napatingin sila sa aking direksyon. Alinlangang ngumiti ang iilan sa kanila. Nilapitan naman ako ni Irish.

"Gusto mo sumama? Kakain kami sa kakabukas lang na fast food sa tapat."

Oh, no thanks. You won't be happy if I go with you. I'd just make the whole situation awkward. And uncomfortable.

Pero siyempre, hindi ko 'yon isinatinig at ngumiti lang din saka umiling.

"Thank you! But I'm with my friends."

"Oh, gano'n ba? Sige. Mauuna na kami! Congrats ulit!"

Nakita ko namang medyo nabuhayan ng loob ang iilan sa freshmen na 'yon. I sighed.

Ever since I came here and joined the school's dance troupe, everybody liked me. Lahat nakatutok sa bawat galaw ko. Lahat gustong kaibiganin ako. At lahat gusting makuha ako para sa pansariling interes nila.

And I'd be lying if I say I didn't want any of that.

Gustong-gusto ko 'yon. Gustong-gusto ko ang atensyon na binibigay sa akin. Kasi kapag ganoon, alam mong may sinasabi ka sa lipunan. May silbi ka. May karapatan ka. Karespe-respeto ka

I believe that respect begetting respect is bullshit. It's pure crap made by people who have nothing against those who have the power and the money.

Shot Through the LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon