Kabanata 13

3K 222 88
                                    

Uncertain

My blood ran cold.

Agad akong tumakbo papasok ng bahay sa gitna ng mga nakikiusyusong kapit-bahay. Hindi ko inalintana ang mga naririnig kong usap-usapan sa gilid. Ang importante ay makaabot ako bago pa may magawa si Tatay na hinding-hindi ko mapapatawad.

"Tay!" sigaw ko.

"Ate!"

Nagsitakbuhan ang mga kapatid ko papunta sa akin. Lumakas ang mga bulungan. Bumaling ako sa aking likuran at sa nanlilisik na mga mata ay pinaalis ko sila roon.

Tahimik na umiiyak si Nanay, nakapikit ang mga mata at nakayuko na tila ba nagsusumamo kay Tatay.

"Ano'ng ginagawa mo sa pamilya mo?"

It was a whisper—barely making any sound and barely making it past my lips.

Purong galit ang nakita ko sa mga mata ni Tatay. Sinubukan kong hagilapin doon ang kaonting pagmamahal na mayroon siya para sa amin. Pero bigo ako. Wala akong ibang mahanap doon kundi galit.

"Ikaw? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Nagdidisiplina ako!"

"Bata ba si Nanay para disiplinahin mo?"

"Pamamahay ko 'to! At ako ang masusunod sa pamilyang 'to!"

Nilagay ko sa aking likuran sina Alex at Evelyn nang magsimulang lumapit si Tatay. NInenerbyos ako, pero pinaalalahanan ko ang sarili ko na kailangan kong maging matapang.

"Mangmang ba ang tingin mo sa amin? At hindi na kami pwedeng magdesisyon? Pilit mo nga'ng sinisiksik ang sarili mo sa pamilya nina Nanay kahit na wala ka namang karapatan!"

It came fast. I wasn't even spared a moment to take it in. The only sound I heard was my mom's scream. All else... faded.

Tulala akong nakasalampak sa sahig. Ramdam ko ang pamamaga ng kanang pisngi. Nag-uusap sila, pero wala na akong marinig.

I felt Alex tug on my sleeve. She's crying. Strangely, I don't feel like crying.

Nanunuot sa akin ang galit—galit na hindi ko inakalang babalot sa buong pagkatao ko para sa taong bumuhay sa akin ng ilang taon.

Utang na loob ko ang buhay ko. Ngunit kung ang ibig sabihin noon ay kawalan ng respeto para sa akin at sa pamilyang mayroon ako, kayang-kaya kong itapon nang buong puso ang utang na 'yan.

Tinuro ako ni Tatay. Pinipigilan siya ni Nanay sa pag-amba ng suntok sa akin. Lalo lang lumakas ang hagulgol ng mga kapatid ko. At sa bawat patak ng segundo, mas namamanhid ang puso ko sa lahat ng 'to.

"Kahit kailan," turo niya, "wala kang karapatang isumbat sa akin 'yan."

Malakas niyang hinawi ang kamay ni Nanay at mas dinuro ako.

"Pinakain kita, inalagaan, pinag-aral, binihisan. At pagiging bastos ang isusukli mo sa akin?"

I clenched my teeth hard. Pinilit kong yumuko. Ayokong sumagot. Dahil natatakot akong hindi ko mapipigilan ang sarili ko kapag binuka ko ang bunganga ko.

"Wala kang utang na loob! Putangina! Walang kwenta!"

Words always have their own way of piercing through your skin. They will wound you. And even cut you to bits. But they can never be healed by anything. Even time messes up.

But you will never know the extent of words if you heard it for yourself.

Napatalon ako nang bahagya nang kumalabog ang pinto sa pag-alis niya. Agad namang pumunta si Nanay sa gilid ko at hinawakan ang aking magkabilang pisngi.

Shot Through the LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon