Kabanata 41

3.1K 190 92
                                    

Spotlight

"Did you get in?"

Tulala akong lumabas ng room at hindi pa rin halos makagalaw.

Tinignan ko lang ang lalaking nagtatanong na mukhang sumusubok din para sa isang minor role. Wala siyang ibang katabi sa inuupuang mahabang bench.

"O-Oo, ata," sagot ko, wala pa rin sa sarili.

Naguguluhan naman siyang tumingin sa akin.

"Ano'ng 'oo ata'? At saka ano'ng nangyari sa 'yo? Nakakatakot ba roon? Nangangain ba sila ng tao?" sunod-sunod niyang tanong.

"H-Hindi naman. Sabi kasi ng director, kukunin daw ako para sa role ni Saab."

Nanlaki ang mga mata niya.

"Wow! Congrats! Nag-aaudition ako para kay Morrie. Sana naman makuha," tahimik niyang sabi.

Pero hindi pa rin ako makalma at tulala lang sa tabi niya. Napatawa siya roon.

"What happened to you? First time mong makuha?"

"Oo. F-First time 'to. Kaya hindi ako makapaniwala," yumuko ako. "Baka pinagtitripan lang ako."

"Tss. Walang panahon ang isang production company para pagtripan ka. And you should be happy. Nakuha ka agad on-the-spot. That means you did well."

Tumango ako, iniintindi ang sinabi niya. I did well? Hindi ko alam. Hindi ko na nga matandaan ang lahat ng linyang binitawan ko kanina.

"I'm Jack Reyes, by the way," pakilala niya.

Doon lang ako lumingon sa kanya at napagmasdan ang kanyang kabuuan.

He's tall and fair. Bakat na bakat ang kanyang maskuladong katawan sa suot na simpleng puting t-shirt at maong. Kahit naka-cap siya at natatakpan ang itaas na bahagi ng mukha, alam kong poging-pogi pa rin 'yon dahil na rin sa mga labing mapupula at matangos na ilong.

Nagtagal ang tingin niya sa mga mata ko. It took me one look to know about his preference.

Hindi pala kami talo nito.

"Kung may alam ka, 'wag mo na lang sabihin," aniya sabay iwas ng tingin.

"Be proud, Jack," 'yon lang ang tanging nasabi ko.

"Easy for you to say," he mumbled.

Naglahad ako ng kamay at isang ngiti.

"Alunsina nga pala. Alunsina Enriquez."

He was about to take my hand when a girl appeared. Maaliwalas ang kanyang mukha at pormang-porma. Malawak ang ngiti niya, hindi man lang natinag sa pagiging late.

"Hi! Nakuha na kayo?" she asked. "I'm Patricia Almeda!"

Tumango kami at nagpakilala na rin sa kanya.

Tinuro ako ni Jack.

"Siya pa lang ang nakuha. Kay Saab," maikling pahayag niya.

"Oh! Then that's great! Baka makuha nating dalawa ang role nila Maggie at Morrie."

Nagtagal ang tingin niya kay Jack at halos matawa ako nang maalala ang napag-usapan namin kanina. Hindi kami talo.

The audition went on. Dahil nagmamadali ang casting department, pinag-isa na lang ang audition nilang dalawa. And the three of us got in.

Parang may kung anong bigat ang nawala sa akin habang papauwi. Hindi ako makapaghintay na ibalita 'to sa kay Nanay at mga kapatid ko. Hindi kasi alam ni Nanay na sumasali ako sa mga audition. Ayoko na ring mag-alala pa siya sa akin dahil sa madalas na pagtangging nakukuha ko.

Shot Through the LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon