Kabanata 46

3.3K 213 48
                                    

Park

"Thank you po."

Bumaba ako sa taxi matapos magbayad. Sinalubong ako ng nirentahang maliit na villa malapit lang sa Abad, ngunit may kalayuan nang konti sa San Antonio, ang dating lugar kung saan kami nanirahan noon.

Pinasadahan ko ng tingin ang buong lugar. Not bad. Hindi 'to kasing-rangya ng tinitirhan ko sa Maynila. Pero komportable at presko ang tanawin. Malayong-malayo sa magulong siyudad.

Sighing, I pulled my bag and waited for the driver to finish unloading everything to my front door.

Gawa sa bamboo ang buong bahay. May maliit na hagdanan na aabot hanggang tatlong lakad bago marating ang maliit na portiko. Iilang halaman ang nakasabit malapit sa haligi at sa itaas ng plastik na upuan. Tinandaan ko 'yon, para bukas, maaari kong ilapag sa sahig.

The place was very simple. Pagpasok ko sa loob ay nakita ko na agad ang higaan. A small bamboo nightstand sat comfortably beside it. The champagne-colored curtains carefully hid the magnificent view behind the glass windows. Take a few steps more and you'll reach the dining area opposite the bathroom.

Matapos ayusin ang gamit ay dumiretso na agad ako sa labas para mamasyal. Para na rin mabisita si Aling Tisay. Ang sabi ni Alex ay malusog pa raw ito at nangchichismis pa rin.

Nagsuot lang ako ng bucket hat at simpleng dilaw na sundress. My getup reminded me of the dresses I loved to wear before I came to hate them because of what my father did.

Tinahak ko ang sementadong daan patungong Abad. Medyo nanibago pa ako dahil ang parteng ito ng Basco ay wala pang semento.

Pero labing-isang taon na ang lumipas. Bukod sa daan, taxi at iilang mga kainan na hindi ako pamilyar, wala nang ibang pinagbago ang kinalakihan kong lugar.

Basco was the same as I left it. But it felt different. It wasn't like how it used to be. Noong dito pa ako umuuwi pagkatapos ng buong school year sa paaralan, tutulong kay Nanay sa gawaing-bahay at pati na rin sa maliliit na trabaho, at aalagaan ang mga kapatid. Hindi na 'yon ganoon.

I came here to complete my last phase of healing. Gusto ko nang magpatawad. Gusto ko na ring patawarin ang sarili ko. For not being good enough, for failing to be the person I've always wanted to become, and for living in hate for almost half of my life in this world.

Tama na.

"Hala! Ikaw si Alunsina, 'di po ba? 'Yung sa tv?"

Tumango lang ako at ngumiti sa nagtanong na dalaga.

I was greeted by that same question in almost every turn I take just to get to Abad. Sanay naman na ako kaya ayos lang. Isa pa, nakakatuwa na hindi nila ako dinudumog. In Manila, I always get harassed when people spot me in public without my guards.

I want to have some peace. Masyadong magulo ang buhay ko sa Maynila. Kailangan ko 'to ngayon.

Hindi pa man ako nakakarating, naaninag ko na si Aling Tisay na nagbabantay ng isang bentahan ng damit. Naalala ko na kinuwento ni Alex itong pagmamay-ari niyang negosyo.

Lumawak ang ngiti ko at binilisan ang paglalakad tungo sa kanya.

Due to my excitement, I shouted her name.

"Aling Tisay!"

Naguguluhan siyang nag-angat ng tingin at hinanap ang pinagmulan ng tinig na 'yon sa malayo. And after quite some time, she found me.

She aged a lot. But somehow, she looked bright and happy. Ang malalaki niyang mga mata ay sumingkit nang ginawaran niya ako ng isang malaking ngiti.

Shot Through the LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon