Kabanata 49

3.6K 206 46
                                    

Meteor

Malayo pa ang Sabado. Pero ang utak ko, nauna na roon.

I mentally slapped myself a couple of times already. Sinubukan ko na ring ibaling sa ibang bagay ang atensyon ko. Nagawa ko na lahat ng maaaring gawin dito sa bahay. Hindi rin naman ako makalabas hanggang ala una para sa meeting namin ni Sergio tungkol sa lupa dahil wala namang ibang pagkakaabalahan.

Knowing that Sergio's divorced played a huge role in messing up my head. Definitely not my heart. Gulong-gulo ako kung ano ba ang dapat gawin. At kung ano ang nararapat na maramdaman.

I'm committed to someone else. And I certainly do not appreciate the act of cheating, kahit na sabihin na nating nag-iibigan kayong dalawa. It's wrong. The both of you should start in a clean slate.

And before I knew it, gumapang ang hiya sa aking sistema at pinamulahan ako nang husto. Anak ng! Ano'ng "nag-iibigan" ang pinagsasabi ko?!

I made it clear to myself a long time ago that I'm no longer in love. But the love I felt for him will always be unparalleled. And it will always stay. And I'm never going to fight for it. What we had should stay as a mere memory. Nothing more, nothing less.

At hindi dapat gugulo sa isip ko ang pagkakaalam na wala na siyang asawa. What's the point? Pinagdaanan na kami ng panahon. Tumakbo na ang napakahabang oras. Nasa nakaraan na 'yon.

Hindi ko na mabilang kung pang-ilang buntong-hininga ko na 'to magmula noong napunta ako rito sa Basco.

Tinignan ko ang malaking orasan malapit sa hinihigaan ko. Mag-aalas dose na.

I dressed up in a pale yellow jumpsuit paired with white sneakers. It looked cute. Pero agad ko ring pinagsisihan nang makitang putikan ang lupa ni Sergio.

"Tangina naman," I grumbled.

Nang makaabot ako, naputikan na ang sapatos ko. Sa kabutihang palad ay may poso sa gilid ng malaking bahay at binasa ko nang kaonti ang sapatos bago kumatok sa pinto.

Pinagbuksan ako ng kasambahay na siya ring nagbukas sa akin noong una kong punta rito. May sumilay na isang pomarl at pala-kaibigang ngiti sa kanyang mga labi.

"Ma'am! Magandang araw po! Pasok po kayo. Naghihintay na si Senyorito sa inyo roon sa opisina niya."

"Magandang umaga rin po," bati ko. "Sige po, maraming salamat."

I did not waste a second and immediately headed to the office. Agad na bumalik ang alaala ng naging pag-uusap namin dito nung nakaraan. Kung paano ko sinabi sa kanyang nakausad na ako. Kung paano niya inamin na hindi na siya kasal sa iba. At kung paano ako tumakas doon dahil sa hindi ako handa.

Ngunit dahil nga ba hindi ako handa kaya ako umiwas?

I was about to knock, and yet my hand was left hanging when I was greeted by a shirtless... Sergio.

Nanlaki ang mga mata niya at umawang ang mga labi. Paniguradong ganoon din ang sa akin!

I gasped and turned around, not wanting to see him in that state any longer. Mabilis lang 'yon. Pero ang mga mata ko'y mabilis ding naglakbay sa matipuno niyang katawan na noon pa ma'y pormado na at mas naporma lang ngayon.

"P-Put some clothes on!"

"Y-Yes, sorry, uh..."

Ni hindi ko na namalayan ang matinding pagkakapit ko sa bag. His movements were frantic. Alam ko dahil rinig na rinig ko ang bawat hawi niya sa mga gamit at ang paroon at paritong lakad ng kanyang mga paa.

"You may turn now," aniya.

Indeed, nakasuot na siya ng itim na t-shirt. At gusto ko na lang batukan ang sarili nang malakas dahil sa kaunting panghihinayang na nadarama.

Shot Through the LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon