Kabanata 34

2.9K 158 44
                                    

Powerless

"Ano?! Teka, saan ba galing 'yan?"

Hindi ko na kailangan pang lumabas para malaman kung sino ang bumubulyaw sa umaga.

Nakauwi si Tatay kagabi. At sa kabutihang palad, hindi lasing. Umasa akong ilang linggo siyang hindi uuwi. Subalit dumating siya nang mas maaga sa nais ko.

"M-May nagpadala kasi ng notice. Galing sa munisipyo. Dapat na raw tayong umalis," paliwanag ni Nanay.

Binalita na kasi ni Nanay sa kanya ang nangyari. At heto na naman, nagdadabog. Wala nang bago sa reaksyon niya sa lahat. Ang hinihiling ko lang ay sana hindi siya malasing. Dahil ako na naman ang sasalo sa lahat ng pagkabigo niya sa pamilyang 'to at sa estado namin.

"Sinubukan niyo bang magpunta sa mga opisina? Ano'ng sabi?"

"Hindi na raw talaga maaari. Pwede naman daw maghain ng appeal. P-Pero kailangan ng abogado, Dante. W-Wala tayong pera."

Pumalatak si Tatay at nanahimik saglit. Nanatili lang ako sa kwarto at nag-isip.

We know the existing laws. Hindi maaaring makakuha ng lupa ang mga hindi orihinal na taga-Batanes. Sila Nanay kasi, galing sa Baguio. Ngunit dahil sa mga koneksyon ng namayapang Lola at Lolo ko sa mga politiko, nakuha nila itong lupa na noon ay pagmamay-ari ng isang haciendero.

And the one who gave the permit was Emilio Arcoza, the present Governor's father who also became the governor back then.

"Maghahain tayo. Hindi maaaring wala tayong gagawin. Hindi pwede 'to."

"P-Pero, Dante... wala tayong pambayad sa abogado—"

"Ang bobo mo talaga! Kaya nga may mga pampublikong abogado, 'di ba?"

Hindi lang din ang pera ang inaalala ko. Ayaw ko ng gulo. Ayaw ko mang umalis dito para ipaglaban ang karapatan namin sa lupang 'to, napapagod na ako.

This is another one of Ma'am Amanda's doing. And knowing her, she will never back down easily. Lalo na at hanggang ngayon, hindi pa rin kami naghihiwalay ni Sergio.

At this point, the only solace I have is Sergio. And no one else.

Kinabukasan ay agad nagpunta si Tatay sa Public Attorney's Office. Siya lang mag-isa ang naghain ng appeal at nagproseso nito. Nag-alok man si Nanay na sumama, hindi siya pumayag.

I thought of the worst-case scenario for us. Kung hindi naaprubahan ang appeal ay wala kaming magagawa kundi ang umalis. Marami namang paupahan dito sa Basco. Ngunit dagdag na naman sa problema 'yon.

Ang dami-dami nang babayaran. Hindi na nga kami nagpakabit ng kuryente para makaiwas sa bayarin. Tubig lang ang pinagkakagastusan namin ngayon. Kapag uupa kami, tatlo na ang paglalaanan ng pera. Tubig, kuryente, at renta.

My mother looked distraught. This is harder to her than to anyone of us. Isa-isang tumawag ang mga kapatid niya at nakiramay sa pinagdadaanan namin ngayon. 'Yon nga lang, walang ni isa man lang ang nag-alok ng tulong.

Pinagpapasalamat ko na lang talaga sa Diyos na may mga taong hanggang ngayon ay nagpapadala pa rin sa amin ng kung anu-ano. Kabilang na roon si Ma'am Felistina.

Although I never got the chance to talk to her about it, I know she knows I'm beyond grateful.

"Dumating na ba sa inyo 'yung bigas na pinapadala ni Tita?"

Tumango ako.

"Yes. Please, send my gratitude to her."

"Of course. Alam naman niya 'yon, Love. No need to remind her."

Shot Through the LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon