Kabanata 43

3.2K 204 81
                                    

Comet

"Compassion defines humanity. Kahit gaano pa 'yan kalaki o kaliit, sa ngalang nagbigay ka, hawak mo ang pagbabago. You can change the world. You can even possibly influence others to do the same."

Tinignan ko isa-isa ang mga naroon. I was giving a speech for this charity event catering to those who are homeless. Halos ang mga narito ay ang mga beneficiary at sponsor mula sa mga naglalakihang kompanya.

"I've been donating here ever since I was still a waitress. Kaonti nga lang, because I had to support my family and myself," I smiled. "Now that I can give more, it just makes me so happy and moved that a lot of people are participating."

Cameras flashed. All I could hear was the soft clicking of camera shutters.

"I hope we can all continue this cause. Andaming nagagawa ng kahit piso basta't maraming magbibigay. With more people, it is possible to help more. Thank you."

Sinalubong ako ng palakpakan matapos ang maikling speech. I slightly bowed my head and returned to my seat.

Noong nagtatrabaho pa ako sa mga restaurant, sinisiguro kong makakapagbigay ako kahit isang daang piso lang ang nakakaya ko. Minsan singkwenta pesos. Nahihiya pa ako nung una. Pero buong pusong tinanggap 'yon ng mga fundraiser nitong charity.

Naaalala ko ang pinagdaanan namin dahil dito. It's a form of healing to me, in a way.  Marami-rami rin ang tumulong sa amin noon sa Basco. At hindi ko man sila nasuklian doon, dito ko na lang binuhos lahat.

"Wave, may isang charity ka pang pupuntahan next week. Ikaw pa rin ang speaker," sabi ng PA kong si Gelly

Tumango ako.

I also supported different party-lists and charity organizations for protecting women and children. May iilang nagkokomento na pumapasok daw ako sa politikal na eksena sa ginagawa ko. Pero ni isa sa kanila ay hindi naman alam ang kung ano'ng pinagdaanan ko.

I help because I can. At para na rin subukang pahilumin ang sugat ng nakaraan na magpa-hanggang ngayon ay nagdurugo pa rin. Ako nga lang ang nakakakita.

Isa pa, nung hiniling ko lang sa Kanya na maituwid ang araw-araw at makahinga nang kahit kaonti, binigyan Niya ako ng pagkakataong ituwid din ang kinabukasan ng iba. What others have to say is the least of my concerns.

"At tandaan mo, hindi ka pwedeng magtagal dito. 'Wag mo na ring i-entertain ang mga reporter na naghihintay sa 'yo sa labas. May dadaluhan ka pa mamayang 12."

Sa sinabi niyang 'yon ay nangiti ako. Excited na ako!

Nakipagkamay lang ako sa mga nandoon at nagpaumanhin na hindi ko na sila masasamahan pa sa lunch. Mabilis akong nagtungo sa parking lot. At gaya ng sabi ni Gelly, marami nga ang naroon.

"Miss Enriquez, can we get your statement about the latest TV series you're working on?"

"May anak daw po kayo?"

"Sabi ni Mr. Sy ay magpapakasal na raw kayo? Totoo po ba?"

Palihim na lang akong umiling at magalang na umiling sa kanila. Tinanguan ko lang si Kuya Rod at agad naman niya akong pinagbuksan.

Today is Alex's ribbon-cutting ceremony for her restaurant. She's supposed to have this a year ago. But she declined my offer to financially support her business. Aniya'y gusto niya raw na sa kanya galing ang puhunan.

Hindi naman gaanong malayo 'yon dito sa Pasay. Nasa Taft lang ang restaurant at swerteng hindi masyadong abala ang daan.

My phone rang. Napairap ako at bumuntong-hininga bago pilit na sinagot ang tawag.

Shot Through the LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon