Kabanata 38

2.9K 178 88
                                    

Fire

Nabingi ako sa lakas ng mga putok na sunod-sunod. Hindi ko halos mapikit ang mga mata ko at nakatuon lang 'yon sa nakahandusay na katawan ni Atty. Guytingco sa sahig.

I helplessly watched as my mind went blank.

I don't know much about justice. Hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin ang kung ano nga ba talaga ang hustisya at para saan 'yon. Because I have my own worries. And why should I worry myself over something that does not concern me?

Oo, ilang beses na kaming ginago nitong hustisyang 'to. This system will never recognize those below them. Only if they'll get something out of it.

Alam ko 'yon dahil sinampal na 'yan ni Ma'am Amanda at Atty. Guytingco sa mukha ko. At hindi man lang ako nakapanlaban. Hinayaan ko sila dahil napagtanto kong kahit ano'ng susubukan kong gawin, mananatiling bingi ang hukom sa amin.

Ngayon, may pagkakataon akong ipagsawalang-bahala ito. I can freely go back to our house and pretend that nothing happened. Ibaon na lang sa limot ang lahat at magsisimula ng bagong buhay sa Maynila kung saan walang makakaalam sa nangyari.

Tutal ay kung hindi nagpunta rito si Tatay ay mananatili kaming aping-api ng mga may pera. Malulugmok kami lalo. At hinding-hindi makakaganti.

But I'm already here. And this person's life is the very reason why I'm here. And I may not know much about the law and justice, I know what's right and what's wrong.

Pinagmasdan ko si Tatay na tinitingnan kung humihinga pa ba si Atty. Guytingco. Matapos niyang gawin 'yon ay may tinawagan siya sabay mabilis na nagtungo sa mga cabinet ng opisina at binulsa ang kung ano'ng nakikitang mapagkakakitaan.

Muling sumibol ang pandidiring nararamdaman ko sa kanya.

He hates the rich. He hates those who are above us. Because for him, justice should be for everyone.

And yet, here he is, betraying his own principle. For money. For glory. For pride.

Matapos ang napakatagal na panahon, ngayon lang ako nalinawan sa lahat-lahat. My thoughts are clear. And I left the place hurriedly, void of any feelings. Not even regret nor guilt for what I'm about to do.

Makakaya kong tiisin ang lahat ng ginagawa ng taong 'to sa akin. Dahil ako lang naman ang nasasaktan at walang nakakaalam. Subalit kung nadadamay na ang ibang tao, ibang usapan na 'yan.

I don't want my family to continue living in a false premise that to be happy, we should be complete. Happiness is not measured by what's complete and what's not. It will always be found within us. 

Hindi ko mapigilang murahin ang sarili ko.

Sana noon ko pa 'to ginawa. Sana... hindi na umabot sa ganito ang lahat-lahat.

Wala akong maramdamang kahit ano tungkol sa nangyari kay Atty. Guytingco, maliban sa konsensya. He never did anything good for us. But that doesn't mean he deserved that.

Sa dami ng balang pinaputok ni Tatay, alam ko na kung saan ang patutunguhan niya.

It felt empty. Everything drained the fuck out of me.

Nawala sa akin si Sergio. Kukunin ulit ang lupa sa amin. At nakapatay pa ng tao si Tatay.

Pinagtitinginan ako ng mga tao sa presinto. Kakaonti na lang ang naroon. Abala ang desk officer nang dumating ako sa harap niya.

"Ano po 'yon, Ma'am?"

Lumunok ako at hindi na nagdalawang-isip.

"M-May report po ako. Murder po."

Shot Through the LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon