Kabanata 35

3K 180 73
                                    

End

May mga pagkakataon na hinihiling kong sana, nabuhay na lang ako sa ibang panahon, sa ibang pagkakataon. At napapatanong ako kung may ipagkakaiba ba ang sitwasyon ko kung sakaling iba ang buhay ko ngayon.

It was almost bitter-sweet—to long for a life you never knew nor experienced. But it's comforting in its own right. Because in this lifetime I'm in, the odds are always stacked against me. 

"Lumapit na ako kay Congressman. Ang sabi niya, hahanap daw siya ng paraan. 'Yon nga lang, ang dami niya pang inaasikaso. Baka raw hindi niya maabutan ang palugit!" ani Aling Tisay.

Inabot niya kay Nanay ang mga dokumento. Ngumiti naman si Nanay sa kanya.

"Naku! Salamat talaga, Mare! Hindi ko na alam kung ano'ng gagawin ko. May trabaho kasi kaming dalawa ni Wave, e. Walang ibang pwedeng pumunta roon."

Aling Tisay waved her hand dismissively.

"Ah, sus! Wala 'yon! Ang liit-liit lang na tulong, pinagpapasalamat mo pa! Kung 'di lang talaga bruha 'yang nanay ng jowa nitong anak mo, hindi sana kayo nahihirapan ngayon!"

Yumuko na lang ako nang mahagip si Nanay na pinandilatan si Aling Tisay at tinuro ako.

Usap-usapan kasi 'yan sa buong San Antonio, kahit noon pa man. Bawat delubyong pinagdadaanan namin simula noong naging kami ni Sergio, palaging kasalanan ng nanay niya ayon sa mga chismis.

Agad na lumapit si Aling Tisay sa akin at hinagod ang aking balikat.

"Wala lang 'yon, hija! Kahit totoo pero wala lang 'yon, oo!"

Ngumiti na lang ako ng pilit at hindi na umimik pa.

People are not born evil. I refuse to believe that. What an individual is today is a product of how he perceives the world and sees it, as influenced by either sadness or happiness, pain or pleasure.

We become what we consume, after all.

"T-Tay, t-tama na po," bulong ko habang pinipigilang umiyak.

Pang-ilang pagkakataon na 'tong sinubukan kong magmakaawa at magbaka-sakaling maalala niyang anak niya pala ako.

He reeked of alcohol again. Madaling araw na. Pero narito na naman siya at pinagsasamantalahan ako.

Hindi man halata nila Nanay o ng mga kapatid ko, kahit si Sergio, ramdam ko ang unti-unting pagbabago sa sarili ko.

Kabilang na roon ang pananamit.

I stopped wearing skirts. I stopped wearing frilly dresses. Malimit na akong nagsusuot ng pantalon at simpleng t-shirt.

"Ang iksi-iksi ng sinuot mo kanina, ayan tuloy, tinigasan ako."

Ginupit ko na rin ang buhok ko. The lovely curls that Sergio loved to play with went shorter. Dahil sa tuwing nakikita ko ang dulo ng bawat hibla nito, naaalala ko ang pinaggagawa ng sarili kong ama sa akin.

Well, everything about me makes me remember all the things he did.

Pakiramdam ko... ang dumi-dumi ko. At ang mas masaklap, wala akong ni isang pwedeng makapitan o masabihan man lang.

Our situation also worsened. Tinanggal ako sa isa kong trabaho dahil daw hindi ako masyadong nagtatrabaho. E, ako lang naman mag-isa buong araw ang gumagalaw. Pang-apat na appeal na rin ang hinain namin. Pero wala pa ring nangyayari. Pati si Nanay, nagkakasakit na dahil sa matinding pagtatrabaho.

"Ako na lang po ang sasalo sa labada. Para na rin maabutan niyo rito ang iaabot para sa eleksyon. Tanggapin mo lahat Nay, ah?"

Ngumiti siya sa akin.

Shot Through the LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon