Kabanata 44

3.2K 232 19
                                    

Fade

We all have a choice.

We can either move on from the past, or move forward with it. To find meaning in all things, to find a home in the dark, to be one with the chains and be free with them.

Because I realized that I couldn't move on and I couldn't forget Sergio. Walang nangyari sa lahat ng pinaggagawa ko. Imbes na iwan ang lahat, umusad lang ako kasama ng mga alaalang ayaw bitawan ng puso ko.

The memories we have are imprinted on me for a lifetime. And nothing can erase those. Not even time.

Ngunit kung may isang bagay ang oras na kayang gawin, 'yon ay ang tangayin ang mga nararamdaman sa bawat segundong lumilipas. It won't go away, but it can be submerged deep down, leaving scars. But it's better than having to live with it every single day.

"This is Mikael Rivero, Alunsina," pakilala ni Direk.

I gave him a rehearsed smile and shook his hands.

"Nice to meet you. I'm Alunsina."

His kind eyes twinkled. Hindi ko alam kung bakit. Pero hindi naman siya nagsalita matapos 'yon. I just quietly continued reading the script.

Pumalakpak ang screenwriter at si Direk para kunin ang atensyon ng lahat ng napagkasunduang cast. We're in this really huge hall. Dinig na dinig ang kahit kaonting ingay.

"Okay! Dahil kompleto na tayo, pwede na bang mag-script reading?" his voice boomed. "Pero mauuna ang mga minor roles, okay? Kailangan naming tutukan ang chemistry ng dalawang lead at antagonist."

Bored akong sumandal sa inuupuan. This will take a while for sure.

"Can I sit here?"

Walang-gana akong tumango, naroon pa rin ang ngiting binibigay ko sa lahat.

"You can drop your smile, you know."

Hindi ko siya pinansin. Nasundan pa 'yon ng iba niyang pangungulit hanggang sa napuno na ako.

"Please stop talking to me," pagod kong pakiusap.

Natigil ang iba roon sa pagbabasa ng script. At ako nama'y pinamulahan nang mapagtantong dinig na dinig pala ang sinabi ko dahil ang tahimik at malakas ang boses ko!

Kinagat ko ang aking labi.

"Ay, ano 'yan? May LQ na agad ang leads?" pa-intrigang tanong ni Casper, isa sa mga cast.

"Grabe, wala pa tayo sa simula pero may namamagitan na agad sa inyo?"

Nagtawanan ang mga naroon. Maging si Mikael ay tumawa nang mahina. Ako lang 'ata ang hindi makangiti man lang.

"Masyado ka kasing masungit," bulong niya sa tabi ko.

Nilayo ko nang kaonti ang inuupuan. Bahala siya sa buhay niya.

I can feel his stares every now and then. Pero hindi ko na lang talaga pinagtuunan ng pansin hanggang sa kami na ang pinatawag para sa script reading ng pelikula.

I've never worked with Mikael Rivero. Ngayon lang 'ata.

He's known for being a really good actor. Iilang award na ang nakuha niya. He even got an international award from a film festival held in Bangkok. And he's... well... hot.

"Talaga ba? And you expect me to believe that?" I read. "'Wag mo 'kong gawing tanga, Olive!"

"Totoo ang sinasabi ko! Bakit ba hindi mo magawang magtiwala sa akin?"

"Truth doesn't need trust."

We reached the end of the lines we're supposed to read. Pumalakpak naman ang lahat matapos 'yon.

Shot Through the LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon