Kabanata 52

3.3K 197 61
                                    

Laughter

"Wave! 'Wag ka diyan! Naku! Ikaw talagang bata ka!"

Kumaripas ako ng takbo tungo sa poso. Umalingawngaw ang tawa ko na siyang lalo lang nagpairita kay Tatay.

My little legs, as far as I can remember, went farther and farther away from him. I passed by tall trees and small houses with the echoes of my laughter trailing behind me. I shrieked when he caught up to me and swiftly held me in his arms.

"Umuwi na tayo!" asik niya.

Imbes na matakot, lumawak lang lalo ang ngisi ko. Dahil napansin na naman ako ni Tatay.

I was always craving for his attention. Kasi lagi akong hindi napapansin. Uhaw na uhaw ako na kahit kurutin o pagalitan, tinatanggap ko.

I didn't know what I deserved then. At sabi ni Nanay, habaan ko raw ang pasensya ko kay Tatay. Kasi balang araw daw ay lalambot siya sa akin. Balang araw ay pagbibigyan niya ako sa pagmamahal na pinanlilimos ko.

She said he's just tired. Dahil sa trabaho, sa kaibigan, sa pera. Unti-unti na ring nauubusan ng palusot si Nanay. Ganunpaman, naniwala pa rin ako. Matigas ang ulo ko. Pinipilit ko pa rin ang imposible.

Subalit sa mga nagdaang panahon, ang pangakong 'yon ay pinag-iwanan na rin ng lahat ng taon. Dinaanan at dinuraan ng matitinding pagsubok. Hanggang sa kusa ko na lang 'yong binitawan. Buong puso ko na lamang 'yong pinakawalan at pinaubaya na lang sa kalawakan.

I'm not going to pretend that everything's fine with me. I'm not going to lie too about my feelings. Ni minsan, hindi nawala ang galit at takot ko sa kanya. What he did to me was one of the wounds still bleeding relentlessly.

I shoved everything at the back of my mind. But whenever his name resurfaces, or whenever I'm touched by someone I do not know, it comes back, only hidden by polite smiles and soft rejections.

He betrayed me in the worst way possible.

Ang taong poprotekta sa akin, ay siya pala ang mismong magdadala ng bangungot na hindi na ako nakabangon pa. Siya lang din pala ang tatalikod sa responsibilidad niyang 'yon.

"Tay."

As soon as that word left, everything came back in an instant. The way I adored him... and how I hated him.

Malaki ang ipinayat niya. Ang noo'y matikas na tindig ay matagal nang nilipasan ng mga taong dulot ng pagkabilanggo. Bahagya na ring numipis ang kanyang buhok sa sentrong bahagi ng ulo. His eyes were dull and lifeless as he stared darkly at me. 

Sa laki ng ipinagbago niya, nagdalawang-isip pa ako kung siya ba talaga 'to.

"Ano'ng ginagawa mo rito? Ha?"

His voice also changed. Lumalim 'yon. At tumanda nang husto.

But the feel of his words and all that he is, was the same to me. it was enough to remind me who this person is.

Hanggang ngayon, ganoon pa rin ang galit niya sa akin. At mukhang hindi na magbabago pa 'yon.

"Kumusta po?"

I badly wanted to shout my frustration earlier. Gustong-gusto kong isumbat sa kanya ang mga pinagdaanan kong mag-isa. Gusto kong ipamukha sa kanya ang kung ano na ang narating ko ngayon sa kabila ng nangyari. At higit sa lahat, gusto kong iparamdam sa kanya ang sakit na naramdaman ko noong tinalikuran niya ako bilang anak at binastos ang aking dignidad.

Pero... nang makita ko ang kanyang mukha, at ang kabuuan niya, bigla kong naalala na tapos na pala akong magalit. Hindi dahil sa pagpapatawad ko sa kanya. Ngunit dahil higit sa kahit anuman, nais kong pakawalan ang galit.

Shot Through the LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon