Kabanata 42

3.1K 184 32
                                    

Chance

"Hoy! Sino 'yon?"

Lumingon ako at nakita ang lalaking nakausap ko sa labas ng bar dalawang linggo na ang nakakaraan. Umirap ako at muling humarap kay Mayan, ang manager ko.

"Kanina pa tingin nang tingin sa 'yo, ah?"

Ipinagkibit-balikat ko 'yon.

"Hayaan mo. He's harmless. Gusto lang makipagkaibigan."

"Sus. Ganoon naman palagi kapag pumuporma. Laging pagkakaibigan ang palusot pero pag inayawan mo sa panliligaw biglang 'di na magpapakita!" litanya niya.

Humalakhak ako. "Basta't pabayaan mo na lang."

Narito kami sa isang coffee shop. Nakasuot ako ng bucket hat at itim na leather coat na lumagpas nang kaonti sa hita ko. I fixed my shades para hindi masyadong halata ng publiko.

Dalawang taon na ang lumipas magmula nung naging sikat ako. At ngayon, sinasanay ko pa ang sarili sa atensyon ng madla. And I loved it. I've always loved being the center of attention. It's just that, there are times when fans cross the line. Nakakatakot din minsan.

I once had this persistent stalker who tried to harass me on the backstage right after my short performance. Hindi ko alam kung paano siya nakapasok doon. Mabuti na lang at agad akong nakalabas doon bago pa man may ibang mangyari.

Mayroon ding mga paparazzi na sunod nang sunod. Halos lahat ng lalaking nakakasama ko o kahit nakausap lang nang saglit ay nilalagyan ng malisya. They once presented a long list of celebrities that I "dated", and yet I only ever talked to two people from that list.

May narinig akong tikhim sa likuran ko.

"Excuse me."

Umirap ako. Ito na naman siya at lumapit na talaga.

I turned my body a bit.

"What do you need?"

Sinipat siya ni Mayan mula ulo hanggang paa at tumango sa akin. Pinandilatan ko ng mata. Akala ko ba'y ayaw niya sa lalaking 'to? Baka umasa!

"Excuse me," ulit niya.

"Ano nga ang kailangan mo?" ulit ko rin.

He snickered. With that, I was forced to look at him fully. I tried not to show my irritation to him. But it slipped away. And instead of being intimidated, he just raised his brows and smirked.

"Tinatapakan mo ang barya ko. Nahulog, e. Kaya kinukuha ko."

"Really," I deadpanned.

"Check it," maangas niyang suhestyon.

Masama pa rin ang tinging ipinupukol ko sa kanya at labag sa loob na inalis ang mga paa ko sa sahig. I looked down. But there's nothing.

"Ano ba?!" inis kong baling.

He grinned and pointed towards the table. May isang box ng pastry doon, bagay na ipinagtataka ko. Hindi naman ito ang order ko.

"Accept it. Alam kong hindi mo tatanggapin kung hindi pa ilalagay sa mesa mo."

Before I could even say anything, mabilis na siyang umalis at pumunta sa kotse niya bitbit ang kape.

"Iba rin gumalaw," tumawa si Mayan. "Mateo Chavez. CEO 'yon ng isang pharmaceutical company. Sikat siya, e. Kala ko nga kilala mo. Pwede na rin naman 'yon."

Oh, I know him, alright! Nagbabasa ako ng isang lifestyle magazine at nakita ko siya roon. So I stalked him. Hindi nga lang 'yonpwede malaman ni Mayan o ng kahit na sino.

Shot Through the LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon