Kabanata 45

3.3K 187 34
                                    

After

"Thank you for this chance, Alunsina. Hinding-hindi ka magsisisi sa akin," Mikael whispered.

As soon as the words left my mouth, I tried to disregard the feeling of this whole setup going wrong. Kinailangan ko pang ipaalala sa sarili ko na hindi na ito tulad noon. Kaya ko nang makalimutan siya. Kaya ko nang magmahal ulit.

News of my interview surfaced on the internet.  Ang daming nagtataka tungkol sa nakaraan ko. Siguro, ang tanging nakakatuwa lang sa kawalan ng internet nung nasa kolehiyo pa lang ako ay wala kaming mga litrato ni Sergio noon. Kaya wala silang makakalkal na kahit na ano.

Ngunit mabilis ding napawi ang aking pagkakampante dahil isa-isang nagsilabasan ang mga noo'y schoolmate naming dalawa at alam ang buong nangyari noon.

"Yeah, they were college sweethearts. Mala-libro ang story ng dalawang 'yan. But clarify ko lang ha, Alunsina did not cheat. Basta mahirap i-explain lol."

"She cheated! Kaya nga galit daw ang lahat sa kanya before, right?"

I scrolled some more, brows knitted together.

"Ewan. Nakiki-chismis lang ako di2."

"Yuck! Ang landi pala niya! Jusko!"

Kung anu-ano pa ang nabasa ko sa internet. Bumuntong-hininga na lang ako at hindi na sana 'yon papansinin.

But every day, it just gets worse. Kung anu-ano na ang nilalabas ng mga taong hindi ko naman kilala. Hindi pa nakatulong ang pang-uusisa ng mga kakilala ko at kaibigan.

"So, you talked about that Sergio sa live television? Ayos, Wave! Naka-move on ka na nga talaga at hindi man lang namin kilala 'yon!" halakhak ni Pat.

"You have a boyfriend now, right? Si Mikael Rivero? Kailan siya haharap sa amin?" si Jack.

"Soon. Pagkatapos ng shooting niya sa Spain."

Because of the chaos, I had to announce that I'm in a relationship. Alam kong hindi komportable si Mikael sa mga naririnig niya. At kahit wala siyang sinasabi, hindi na rin naman 'to dapat pang itago sa publiko.

As much as possible, I don't want him to think that I only got with him because I wanted to move on. I am more than that. And he's more than that, too.

He deserves everything. I don't even know how I got him.

People were happy for us. No one objected. Lahat ng tao sa paligid namin, suportado kami. Hindi ko mapigilang maalala ang noon. When I just wanted to be happy, everything and everyone were against me. Ibang-iba sa nangyayari ngayon.

Sumimsim si Pat sa kanyang kape at mataman akong tinitigan.

"Seryoso ka ba diyan? Sure na? Walang bawian?"

"Of course, why would you ask that?"

Nilapag niya ang tasa at nag-angat ng kilay.

"Dahil mahilig ako sa chismis, pinanood ko interview mo," aniya. "Pinakinggan ko bawat salita. At tinanaw ang lahat ng reaksyon mo."

Nangunot ang noo ko. "O, tapos?"

"Kung pwede ko lang talagang tanggalin ang mga mata at magkabilang tenga ko at ibigay 'yon sa 'yo para makita mo ang mukha mo at marinig ang sarili habang nagsasalita, ginawa ko na," mahabang litanya niya.

Ngumisi si Jack dahil do'n. Lumalim ang kunot sa aking noo at pinilit si Pat na magsalita pa. Pero umiling lamang siya sa akin at seryoso akong pinagmasdan.

"Sana lang talaga seryoso ka. I don't want to see you like that again. It's the face... of someone who's still trying to heal."

Dapat ay matuwa ako sa sinabi niya. Pero hindi. Natakot lang ako. No way. It's been... almost ten years now. No. No way.

Shot Through the LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon