CHAPTER 188

2.1K 144 31
                                    

LISHEINE'S POV:

Natapos ang klase na yon at uwian na naman. Hindi ko nahagilap ang teacher naming may kulay pulang buhok. Hindi ko sya makita. At mukang wala na syang balak pang mag-pakita. Mukang bukas na talaga kami mag-kikita.

Tahimik kaming lahat habang bumababa. Tila may anghel sa paligid at maski ang maiingay na mga kaklase ko ay napatahimik nya. Pero hindi. Hindi anghel ang dahilan kung bakit tahimik kaming lahat. Isang babaeng may pulang buhok na mukang kampon ata ni satanas.

Napalunok akong muli habang nakayuko. Hindi ko man sya kilala ay sigurado akong totoo ang sinasabi nya. Na marami syang alam tungkol samin. Sakin.

'At gusto kong malaman ang mga nalalaman nya.'

Kahit hindi katanggap-tanggap ang sasabihin nya, tatanggapin ko. Kahit yun ang magiging dahilan para masaktan ako muli, ayos lang. Malaman ko lang ang buong katotohanan mula sa pagkatao ko.

Yun lang naman ang gusto ko eh. Ang makilala ko kung sino talaga ko. At kung hindi ko yun maririnig mula sa bibig ng tito ko, hahanap ako ng ibang paraan para lang malaman ko ang totoo.

Ilang araw na ang lumipas mula mg tumawag si Leo na Lucifer pala ang tunay na pangalan. Kampon talaga ng demonyo. Pangalan palang halata ng sya ang tagapagmana ng trono ni satanas.

Pero ang hindi ko maintindihan ay kung paano napunta sakanya ang phone ni Charlotte at kung nasaan si Charlotte. Hindi pa sya nag-papakita sakin! May gusto pa naman akong itanong mula sakanya.

Gusto kong itanong kung kapatid ko ba talaga sya. Kung pano nangyari ang bagay na yon. Ang sabi ng bagong dean ng school ay Charlotte Venelope Hamilton daw ang tunay na pangalan ni Charlotte, ibig sabihin, anak din sya ni daddy at hindi sya tunay na Anderson.

Kung ganon nga ang nangyari, bakit nasa puder sya ng mga Anderson? Bakit hindi sya kilala ni daddy? Si tito ba? Kilala ba sya ni tito? Ano bang nangyayari sa pamilya ko? Bakit sobrang gulo na?

Muli akong napalunok at napahilot sa sintido ng muling sumakit ang ulo ko. Sa tuwing mapapalalim ang nga iniisip ko ay laging sumasakit ang ulo ko. Sa tuwing may mga tanong akong pilit kong sinasagot kahit na hindi ko naman alam ang totoo ay laging nauuwi sa ganito. Laging sumasakit ang ulo ko.

Pero hindi importante sakin ang bagay na yon. Mas nag-aalala ko kay daddy. Sa tuwing nasa mansyon kasi ako at umuuwi sya ay madalas kong naririnig ang pagkalabog sa kwarto nya. Parang may bumagsak na ewan pero dahil nila-lock ni daddy ang pinto ng kwarto nya kahit hindi naman nya yun gawain noon ay hindi ko sya nakikita.

Sa tuwing kakatukin ko sya ay sinasabi nyang ayos lang sya. Hindi ako mapalagay. Natatakot ako para kay daddy. Pano kung may sakit na pala sya at nililihim nya lang sakin? Samin? Anong gagawin ko? Sino ng kakampi ko pag nawala ang daddy ko?

Ang dami ng problema. Ang dami-dami ko ng problema. Ang dami ko ng mga tanong na hindi ko alam kung kelan masasagot. Ang daming sikretong nakatago. Ang daming katotohanang nakakubli. Hanggang saan ba to aabot? Hanggang kelan ipagkakait sakin ang katotohanang gusto kong malaman? Ano ba ang mababago sa buhay ko pag nalaman ko ang totoo?

'Ano nga ba talaga ang totoong pagkatao ko?'

"Babe? Ayos ka lang? Masakit ba ang ulo mo? Gusto mo bang dumaan muna sa clinic?" agad kong naigawi ang tingin kay Noah at ibinaba ang kamay na nasa sintido ko.

Kunot na kunot ang noo nya habang nakatingin sakin. Halatang nag-aalala ngunit nababahala. Ngumiti ako ng maliit at umiling.

"Ayos lang ako. May naalala lang ako." pag-sisinungaling ko.

Kumunot lalo ang noo nya at pinisil ang kamay ko. "Ano naman ang naaalala mo?" takang tanong nya. Ngumiti akobg muli at umiling.

"Wala. Kalimutan mo na. Marami lang talagang nag-lalaro sa isip ko. Gusto ko lang masagot silang lahat ngayon. Ayoko ng patagalin pa ang pag-hihirap ko." nakangiti kong saad kahit kumikirot ang dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan pag nalaman ko ang totoo. Hindi ko alam kung gaano kalaki ang magiging epekto nun sa pagkatao ko.

SECTION F: The Rise of the Truth (Season 2)Where stories live. Discover now