CHAPTER 181

2.3K 150 31
                                    

LISHEINE'S POV:

Nakaupo pa rin ako sa sahig habang yakap-yakap ako ng chairwoman. Lalo akong napaiyak dahil sa yakap nyang yun. Lalo akong nasasaktan dahil sa hindi ko malaman na dahilan.

"Shh.... Tahan na. I'm sorry. H-hindi ko sinasadya. Wag ka ng umiyak. Patawad, Lisheine. Patawad." pag-hingi ng sorry ni chairwoman at hinagod pa ang likuran ko.

Nakasubsob pa rin ang muka ko sa balikat ni chairwoman at hindi man lang tumahan kahit na paulit-ulit nyang sinasabi na wag na kong umiyak. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagiging ganito kaiyakin. Komportable akong umiiyak sa balikat nya. Dahan-dahang gumagaan ang nararamdaman ko pero ayaw pa ring tumigil ng mga mata ko sa pag-luha.

"Ate." dinig kong pag-tawag ng dean kay chairwoman.

"Tahan na. Ihahatid kita sa classroom mo. Wag ka ng umiyak." pag-papatahan pa ni chairwoman sakin at humiwalay sa yakap matapos nyang tapikin ng tatlong beses ang likod ko.

Kumuha sya ng panyo mula sa blazer nyang suot at sya pa ang nag-punas ng pisngi ko. Sinubukan ko yung kunin sakanya pero hindi nya yun ibinigay.

Napalunok ako habang nakatingin sa chairwoman na patuloy pa rin sa pag-punas ng pisngi ko. Napasinghot ako dahil pakiramdam ko ay lalabas ang sipon mula sa ilong ko.

Tumingin sa mga mata ko ang chairwoman at agad din namang umiwas ng tingin. Napakurap-kurap ako ng makita ang namumula-mulang mga mata ng chairwoman na para bang kagagaling lang sa iyak.

Tumikhim sya kaya umiwas ako ng tingin. Ngayon ko na lang ulit nakita kung gaano kaganda ang kulay brown na mata ng chairwoman.

Hinawakan nya ang mag-kabila kong braso at pinatayo. Napalunok ako dahan-dahang tumayo habang iniinda ang sakit ng likuran ko. Ang lakas ng pagkakahawi ng chairwoman sakin na maski ang wooden table ng dean ay natumba ko.

"I'm sorry again, Lisheine hija. Please forget what he told you earlier. He's insane and he forgot to drink his meds. If he tried to talk to you, just run away from him and don't let him get near you ok? I'll fire him for harassing you. Don't worry." sabi ni chairwoman at sinuklay pa ang buhok ko gamit ang mga daliri nya.

Hindi ako nag-salita at tumango nalang. Tumingin ako sa dean na nakatanaw lang samin at hindi na muling nag-salita. Bumaling sakin ang tingin nya at muli na naman akong nakaramdam ng panlalamig ng makita ang sobrang seryoso nyang mga mata.

Nagulat ako ng hawakan ng nanginginig na kamay ng chairwoman ang pisngi ko at pinaharap ako sakanya.

"Look at me, sweetie." napalunok akong muli at dahan-dahang tumingin sakanya ng tawagin nya ko sa tawag ng daddy ko sakin.

Tumingin ang kulay kayumanggi nyang mga mata deretso sa mga mata ko. Bumuntong hininga sya at hinaplos ang pisngi ko gamit ang daliri nya. Lalo akong nakaramdam ng kaginhawaan ng dahil sa ginawa nya.

"Don't mind what he said ok? I'll talk to him later. Let's go. I'll walk you to your classroom." sabi ni chairwoman at ngumiti ng maliit sakin at hinawakan ang kamay ko. Tumango nalang ako bilang sagot.

Hindi na ko nag-paalam pa sa dean at wala na rin akong balak pang bumalik dun. Pakiramdam ko ay nag-lalakad lang ako at walang ibang iniisip kundi ang pag-lalakad.

Lalabas na sana kami ng chairwoman sa may pinto ng biglang bumungad sakin ang nag-hahabol ng hininga na si Noah. Mabilis nyang hinawakan ang kamay ko at tinignan ang kabuoan ko. Napalunok ako dahil dun.

"Are you ok? Did he hurt you? Did he do something bad to you? Why do you look like you cried? There's still a dried tears on you cheeks. Are you ok, baby? Fuck! I'm so sorry! I'm fucking late! I'm sorry, baby. The new teacher confiscate Lira's tablet and the new teacher is strict! I'm so sorry. I'm really really sorry." sunod-sunod na sabi nya at bigla akong niyakap. Napangiwi ako ng madiinan nya ang likuran ko ng bigla nya kong yakapin. Bahagya ko syang naitulak dahil dun.

SECTION F: The Rise of the Truth (Season 2)Where stories live. Discover now