CHAPTER 201

2K 113 3
                                    

LISHEINE'S POV:

Sakay ng kotse papunta sa MLIS ay nakatulala lang ako habang nakapalumbaba sa bintana. Bumuntong hininga ako at puro yun lang ang ginagawa ko habang pinapanood ang mga kotseng dumadaan.

Magaan naman ang trapiko kaya mabilis ang usad ng sasakyan. Di ko dala ang bag ko dahil na kay Noah yun. Di ko nakuha sakanya eh.

Kagabi, hindi ko nakuha ang mapayapang tulog na gusto ko. Patuloy kong naaalala ang ginawa ko noon. Pakiramdam ko ay unti-unti akong pinapatay dahil sa naalala ko.

'Inuusig na ko ng konsensya ko.'

Pero anong gagawin ko? Ipakukulong ko ang sarili ko? Anong sasabihin ko? Nakapatay ako? Bakit? Dahil binaril nun ang kaibigan ko? Saan nangyari ang insidente? Sa school? Sa mismong room? Eh di napahamak ang mga kaibigan ko!

Muli akong bumuntong hininga at nais ko mang sabunutan ang sarili ko ay hindi ko magawa. Katabi ko si daddy, baka isipin nya baliw na ko.

Daddy's acting weird today. Madalas kasi pag kasama ko sya at ihahatid nya ko ay aasarin nya ko kay Noah atsaka nya idadamay si kuya Cris. Pero ngayon? Ang tahimik nya. Mukang may iniisip syang malalim.

'Ano kaya yun?'

Iniisip nya pa rin kaya yung nangyari sa cruise ship? Yung barilan na nangyari? Yung patayan? Nakita nya rin ang mga kaibigan ko na may hawak na baril di ba? Bakit hindi man lang sya nag-tatanong? Alam na kaya nya?

Pero wala pa kong sinasabi sakanyang kahit na ano. Sinong nag-paliwanag? Si tito ba? O ang chairwoman?

Atsaka, bakit kasama ni tita Luceira ang chairwoman? Pano sya naging fiancee ng dean namin? Bakit di man lang sya nag-freak out ng makita nya yung dalawa na may hawak na baril? May alam kaya sya tungkol kila chairwoman?

"Sweetie?" agad akong napatingin kay daddy ng tawagin nya ko. Nakatingin lang din sya sa bintana ngayon.

"Po?" tanong ko. Tumingin sya sakin habang nakakunot-noo. Mukang may itatanong.

"Kilala mo ba sa personal si Luceira Chanel Hernandez?" kumunot ang noo ko ng itanong iyon ni daddy. Bakit parang curious sya kay tita?

"Kilala ko po sya pero hindi ko po alam ang buong pagkatao nya." sabi ko. Tumango-tango si daddy dahil dun.

"Pamilyar ang muka nya. Parang nakita ko na sya noon." bulong ni daddy. Muli syang tumingin sa bintana at muling bumuntong hininga.

"Bakit po kayo interesado sakanya?" takang tanong ko kay daddy. Muli syang tumingin sakin habang nakakunot-noo.

"Hmm? Wala naman. Basta pamilyar lang sya." muli pang sagot nya kaya tumango-tango nalang ako.

"Paalala lang po daddy, may fiancé na po si tita Luceira." pasimpleng sabi ko at tumingin kay daddy. Natigilan sya at gulat na tumingin sakin.

"I know that. Halata naman nung nasa party. Muka silang inlove na inlove." sagot ni daddy kaya pinasingkit ko ang mga mata ko habang nakatingin sakanya.

'Bitter? Or just curious? Hmm...'

"Just like kuya and Francine. They look at each other the way couples turn their gazes on their partners." sabi ni daddy at muling tumingin sa may bintana. Sinilip ko ang muka nya at may glimpse pa ng lungkot dun.

"Daddy, wag nyo po sanang mamasamain pero..." wala sa sariling sabi ko habang nakatingin kay daddy. Sabi ni tito sakin noon, nagka-gusto daw si daddy kay chairwoman, kung may lungkot at pang-hihinayang pa rin sa mga mata ni daddy, anong nararamdaman nya kay mommy?

SECTION F: The Rise of the Truth (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon