CHAPTER 211

2.4K 169 57
                                    

LISHEINE'S POV:

Nakalagpas kaming dalawa ni Scarlette sa engkwentro at payapa na kami muling bumabyahe. Nang tinignan ko ang radar kanina ay wala ng kulay red at green na dot kaya baka wala na talaga.

"Clean your face, Hamilton. You look like a cannibal." dinig kong sabi ni Scarlette at hinagis sakin ang isang box ng tissue.

"Thanks." sagot ko at maglalabas na sana ng salamin ng biglang may salamin ang sumulpot sa may itaas na bahagi ng kotse.

"Use that." sabi ni Scarlette na syang tinanguan ko. Papahiran ko na sana ang muka kong may kalat na dugo ng biglang mag-flashback sa utak ko ang nangyari kanina.

'I... Killed them.'

At para bang sanay na sanay ako sa pag gamit ng baril kung patamaan ko sila. Samantalang wala namang nag-turo saking gumamit non at napapanood ko lang talaga sila.

Maaari bang matuto ang isang tao na para bang bihasang-bihasa na gamit lang ang panonood?

Pero.... Bakit parang wala akong nararamdamang takot, lungkot at kaba kanina habang kaharap ko ang mga yon? B-bakit ngayon, nakokonsensya ko ng husto?

'Muli na naman ba kong mababangungot dahil sa ginawa ko?'

Pero kung hindi ko ginawa yon, mamamatay kaming dalawa ni Scarlette! P-pano kung mas i-inintindi ko ang konsensya ko kesa sa buhay naming dalawa?

'Bakit pakiramdam ko napakadumi kong tao habang tinititignan ko ang sarili ko sa salamin?'

Napalunok ako ng sunod-sunod habang nanlalaki pa ang mga mata ng biglang magsunod-sunod ang pag tulo ng luha sa mga mata ko. Gusto ko nga ba ang ginagawa ko? O naiiipit na naman ako sa sitwasyon?

Hindi ito ang unang beses kong nakapatay. At pinagsisisihan kong pumatay ako. Pero bakit inulit ko ang kasalanang pinagsisihan ko?

Bakit sa tuwing nagigipit kami o ako sa sitwasyon ay parang nag-iibang tao ako? Bakit pag may nanakit sa mga kaibigan ko at may nagbanta sa buhay ng mga taong mahal ko ay nagagalit ako ng husto na para bang handa akong pumatay ng tao?

'Pero bakit ko nga ba sinabing ako si Asteria Hamilton na tagapagmana ng organisasyon?'

Parang pinatunayan ko na rin ang sinabi ni Leo (Lucifer) tungkol sakin. Parang sinabi ko na ring tama sya. At para ko na ring pinalabas na ang inaabangan nyang Asteria ay totoo talaga?

Sino nga ba si Lisheine? At sino rin si Asteria? Magkaiba ba sila? O pareho lang?

"Don't cry, Lisheine." marahang sambit ni Scarlette na syang ikinalunok ko. Napaiwas ako ng tingin sa salamin at pinunasan ang luha na nasa pisngi ko.

"Its hard to do bad things when in fact you're a good person." muli pang sabi ni Scarlette kaya napatingin ako sakanya. Natigilan ako ng makita ko ang maliit na ngiti sa labi nya. Pero ayun na naman ang malungkot na mga mata nya.

"Its hard to swallow your conscience just to save your own life. Its hard to be good in this world full of bad people, bad memories, and bad society." saad pa ni Scarlette na syang ikinayuko ko.

Syempre kung nasasaktan ako dahil nare-reflect ko ang mga ginagawa kong to, mas nasasaktan at mas inuusig sila ng konsensya nila. Hindi naman matitigas ang puso nila para hindi nila marinig ang katok ng konsensya.

'Mas matindi pa rin ang nararamdaman nila kesa sakin.'

"Even if we're killing those bastard, I'm still considering myself and my friends as good persons." natatawang saad ni Scarlette pero alam kong iba ang ibig sabihin ng tawa nyang yon. Alam kong iba ang ibig sabihin non. "Because we really are good persons, with tainted heart and dark childhood past." dugtong nya. Parang may kumirot sa puso ko ng maalala kong lahat nga pala sila, dinala ng tadhana sa organisasyon dahil sa masalimuot nilang kabataan.

SECTION F: The Rise of the Truth (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon