CHAPTER 250

1.6K 143 34
                                    

LISHEINE'S POV:

"Walang nakakaalam kung nasan na si Delanie matapos ang nangyaring aksidente. Pero naniniwala akong buhay pa sya. At nandyan lang sa paligid. Nagmamatyag at naghihintay ng tamang oras para bumalik." sagot ni lola na syang ikinalunok ko ng sunod-sunod. Napaiwas ako ng tingin at mas lalong lumakas ang tiwala kong buhay pa sya at mahahanap pa sya.

'Sana.'

Pero kung sakaling buhay pa sya, nasan na sya? Bakit iniwan nya ang mga anak nya? Anong nangyari? Hindi ko maintindihan kung bakit nya nagawa yon.

"Maski po kayo hindi ninyo alam kung nasan sya?" tanong ko. Umiling naman si lola bilang sagot.

"Wala na kong balita sakanya, apo. Basta ang alam ko ay nalaglag sa bangin ang kotseng sinasakyan nya." sagot ni lola na syang ikinakurap-kurap ko.

'Nalaglag sa bangin?! Pakshet!'

"E-eh ano pong nangyari sa mga anak nya m-matapos yun?" tanong ko pa. Muling bumuntong hininga si lola at napaisip.

"Sa pagkakaalam ko, simula nung mangyari yun ay iniwan ni Phorcys ang kapatid nya sa pangangalaga ng lola na nila na si Taniza." sagot ni lola at muling huminto para siguro mag-isip pa. "Yun lang ang balita ko sakanila. At ilang taon din ang lumipas bago ko nabalitaan na patay na pala si Taniza at naiwan naman si Noah nang mag-isa. Ang alam ko, dinala sya sa organisasyon ng mga Fullbright para doon mag-ensayo." sabi pa ni lola na syang ikinakurap-kurap ko.

'10 years old na si Noah nun di ba? Nung nakapunta sya sa organisasyon?'

"Ehh yung anak po ni daddy Severeious? Nasan na si Svetlana kung nailabas naman pala si mommy ng maayos?" tanong ko. Muli na namang bumuntong hininga si lola dahil dun.

"Kinuha sya." sagot ni lola. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sakanya. "Sinong kumuha?" tanong ko habang ino-obserbahan ang muka nya.

"Si Edmund." sagot ni lola na syang ikinanlaki ng mga mata ko. "B-bakit?" naguguluhang tanong ko pero muli lang syang ngumiti ng tipid.

"Dahil wala nang magmamana ng organisasyon. Namatay si Sev. Kumalas si Ryu. Ipinaampon si Victoria. At si Svetlana nalang ang natitirang pag-asa. Yun ang akala nya." sagot pa ni lola. "Nasan na sya ngayon kung kinuha sya ni gramps?" kunot noong tanong ko. Napakuyom pa ko ng kamao habang hinihintay ang sagot.

'Wag nyong sabihin sakin na nandito sya at pinahirapan din gaya ng paghihirap nila tito rito noong mga bata pa sila?'

"Ninakaw sya ni Suzane mula sa pangangalaga namin ni Edmund at ipinaampon din sa ibang pamilya. Sa mas simpleng pamilya kung saan matatahimik talaga ang bata. Hindi namin sya agad nahanap at pinarusahan ng husto si Suzane dahil ayaw nyang magsalita kung nasaan ang bata. Tinanggap nya lahat ng parusa at aaminin kong isa rin ako sa mga taong nagparusa sakanya noon dahil nawawala ang apo ko at mas iniisip pa namin ang organisasyon." dagdag pa ni lola na lalong ikinakuyom ko ng kamao. Kunot na kunot na ang noo ko dahil sa mga naririnig.

'At mukang tama nga si lola. Mukang kamumuhian ko sila matapos nyang isiwalat ang buong kwento.'

"Nang wala kaming mahita sakanya, napaisipan naming patayin na lang sya pero hindi pumayag si Constancia at kinuha ang pamangkin nya. Nalaman nyang kamag-anak nya si Suzane kaya't binawi nya yun samin. At yun ang dahilan kung bakit nagagalit sya samin ngayon. Dahil sa ginawa namin kay Suzane. Hindi man kasi halata ay importante pa rin sakanya ang pamilya. Ang kadugo. Kesa sa kahit na ano." pagpapatuloy pa ni lola. Napabuntong hininga ako ng marinig ang ginawa ni donya Constancia. Ang tanong, tinanggap ba talaga nya si tita o ginamit lang?

SECTION F: The Rise of the Truth (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon