CHAPTER 198

1.8K 111 17
                                    

LISHEINE'S POV:

Several days had passed at nandito na kami muli ngayon sa classroom. Kumpleto na. Pag sinabi kong kumpleto, ibig sabihin ay nandyan na si Frost.

'Oo! Nakalabas na sya!'

Sa sobrang saya nga naming lahat ng makabalik sya ay niyakap namin syang lahat. Take note, puro babae lang kaming lumapit at dinamba sya ng yakap kaya ang gago, tuwang-tuwa! Sarap daw sa feeling pag may ganung big hug. Ramdam na ramdam daw nya ang LAKI ng pagmamahal namin sakanya.

'Ulul! Yung manyak na yon pasimpleng manyak lang, manyak din pala!'

Syempre, bilang dakilang seloso ang boyfriend ko, ayun, katakot-takot na suyo pa ang ginawa ko. Ilabng minutes nya rin akong hindi pinansin nun. Pero buti nalang bati na kami. Kiss lang naman ang katapat nun eh.

Well, kung itatanong ninyo kung anong nangyari sa habulan namin sa dagat ay isang malaking disgrasya ang nangyari.

Oo nga't naka-survive kami sa tahimik na dagat, pero ang sunod naman naming ginawang playground ay ang kalsada. Katakot-takot na traffic ang nangyari dahil samin.

'Buti nga walang aksidente eh.'

Nakasuhan pa nga kami eh. Buti nalang natakasan din namin agad. Nag-iba ng way si Harrison at Red para sila ang habulin ng mga pulis. Bawal kasing makita ang eternal palace. Hindi sila pwedeng pumunta dun. (Yung mga pulis ang tinutukoy ko ha?)

Alam nyo? Ang ganda pala ng eternal palace! Para talaga syang isang kastilo! Yung paramg kaharian sa mga disney? Yun yon! Ang lawak, ang laki, at ang ganda. Sobra!

Nakita ko na rin ang head mistress na tinutukoy nila. Maganda sya at mabait din! Actually, nung una na-intimidate ako sakanya pero ang warm ng welcome nya sakin. Nilibot pa nga nya ko sa eternal palace eh. Nakita ko ng personal ang healer's hill, dark haven, light haven, at kung ano-ano pang place sa eternal palace.

Maayos ang dark haven na training ground ng section F. Malinis ngunit medyo madilim. May iba't-ibang mga weapons, outfit, wigs, boxing ring at kung ano-ano pang magagamit mo para sa training.

Nag-tungo din kami sa light haven. Para syang tour guide dahil ine-explain nya rin sakin kung saan ginagamit ang mga lugar at kung sino ang mga gumagamit ng bawat haven.

Ang healers hill ay para sa lahat ng gustong maging savior. Walang jene-generation. Walang rank-rank. Pag gusto mong maging savior, dun ka talaga pupunta. Di ko nga alam kung bakit nya ine-explain ang mga yun eh. Hindi naman nya binanggit kung sasali ba ko sakanila o hindi. Hindi nya rin ako pinilit na sumali. Nakalabas pa ko ng eternal palace nila ng ligtas.

Binigyan nya rin ako ng souvenir hehehe. May binigay syang tatlong kunai sakin. Yun ginagamit nila Naruto? Nang mga ninja? Yun. Binigyan nya ko nun.

Tapos, alam nyo pa sabi nya? Sabi nya sakin, kung gusto ko daw bumalik ay ayos lang. Marami pa daw syang hindi nasasabi at hindi pa daw nya ko naililibot sa kabuoan ng eternal palace kaya mas masaya daw pag bumalik ako hehehe.

Pinag-iisipan ko pa kung babalik ako. Baka kasi makaistorbo ako eh. Basta isa lang ang masasabi ko kay head mistress, soooobraaang bait nya!

Hindi ko makita yung manipulative na side nya. Ang cheerful nya rin eh. Thoughful pa. Basta! Tuwang-tuwa rin sya sakin. Para syang si tita Suzane.

"Lisheine." kumunot ang noo ko at napatingin sa nag-salita. Nakita ko ang nakangiting muka ni Frost at kumaway pa. Ok na ata talaga sya.

"Bakit?" tanong ko.

"Pwede maupo?" tanong nya. Kaya agad akong umusod ay umupo sa upuan ni Noah para paupuin sya.

"Oh upo ka." sagot ko at nag-palumbaba sa lamesa habang nakatingin sakanya.

SECTION F: The Rise of the Truth (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon