CHAPTER 192

2.1K 150 110
                                    

LISHEINE'S POV:

"When Scarlette is smirking while fighting, it means, she's enjoying and she don't need to worry about her collague. At dahil malakas si Mira, wala syang dapat ipag-alala dahil pag silang dalawa ang magkasama sa laban, naipapanalo nila." sabi ni Lexie na syang nakapag-palunok sakin. Muli akong tumingin sa tatlo na nag-susukatan na ng lakas.

'Isa laban sa dalawa pero bakit parang lugi pa rin sila Scarlette at Mira?'

Tumingin ako sa paligid at nakit ko sila Coleen na para bang nag-papahinga lang. Pare-parehas kaming nag-hahabol ng hininga at talagang napagod ng sobra.

Mabilis na galaw, malakas na pag-atake, maliksi'ng pag-iwas, at isang matatag na depensa. Yun ang mga kailangan para matalo ang teacher naming to. Meron sila ng katangiang yon pero isa ang wala sila.

'Ang strategy kung pano nila mapapatumba ang teacher namin na to.'

Oo, sugod lang kami ng sugod. Ang unang matumba ay matatalo. Parang labanan lang para sa pride ang nangyayari at wala talaga silang matinding pinag-lalaban.

Kailangan naming makaisip kung pano namin sya mapapatumba.

Kumunot ang noo ko at napahawak sa baba ko. Tumingin ako sa sahig at nag-isip ng magandang plano.

Mabilis ang mga kaibigan ko, pero mas mabilis ang teacher namin. Kulang ang lakas ng iba para sa teacher na to, pero ngayong kasama na namin sila Scarlette at Mira ay alam kong may pag-asa kaming matalo sya.

"Li? Bakit? May iniisip ka ba?" tanong ni Lexie at kinalabit pa ko. Tumingin ako sakanya at napalunok.

"Ano ang eksaktong dahilan para sa laban'g to? Bakit may paganito?" tanong ko kay Lexie. Bumuntong hininga sya at hinawakan ang kamay ko. Lumayo kami ng kaunti para masabi nya ang sagot.

"Labanan ng lakas. Alam mo namang isa sa mga highest rank ang teacher natin di ba? At hirap talaga kaming patumbahin sya. Ilang taon din syang nawala kaya kailangan ay mapatumba namin sya ngayon. Sya ang susukat ng lakas namin." sabi ni Lexie na syang nakapag-patango-tango sakin.

Ngayon ay naiintindihan ko na. Lakas ang kailangan. Kaya sila sumusugod lang at hinahayaan ang katawan nilang kumilos ng hindi nag-iisip.

'At yun din mismo ang ginawa ko kanina. Puta.'

Pero, nabwiset kase ako sakanya eh! Anong karapatan nyang saktan si Scarlette?! At balak pa talaga nyang laslasin ang leeg ni Scar!

Pero ang nakapapagtaka lang ay alam kong kayang-kaya ni Scarlette na makawala dun. Pero bakit parang hinintay pa nya kong sumugod bago sya kumilos? Para ba mawala ang atensyon sakanya ni miss? Para mag-panik si miss kung sinong uunahin nya? Hindi ko alam. Ang gulo na.

Pero kung ang kailangan naming gawin ay patumbahin ang teacher na to at taluhin, mukang kailangan nga talaga namin ng plano.

Muli akong tumingin sa paligid. Tumingin din ako sa itaas kung saan nandun si Bianca at nakita ko syang nilalagyan ng panyo ang balikat nya para tumigil ang pag-durugo. Nang matapos ay muli syang humawak sa baril nyang akala ko ay laruan lang.

'Mukang sanay na ata sila sa ganito.'

Tumingin ako sa mga pader at napalunok. Nakita ko kung pano mag-lundagan ang mga kaibigan ko mula sa pader. Kung pano sila tumakbo ng mabilis at ibalanse ang katawan nila.

Hinawakan ko si Lexie at tumingin sakanya, deretso sa mata. "May plano ako." seryosong sabi ko habang nakatingin sakanya.

Kumunot ang noo nya at bumuntong hininga. "Sigurado ka?" tanong ni Lexie. Tumango ako bilang sagot.

SECTION F: The Rise of the Truth (Season 2)Where stories live. Discover now