CHAPTER 232

1.7K 162 105
                                    

LISHEINE'S POV:

"Lisheine, bakit naisipan mong magpagupit?" tanong ni Cyra na nakaupo sa shot gun seat habang si Frost naman ay nagmamaneho na.

Tumingin ako sakanya at binitawan muna ang straw ng milk tea ko na ni-take out ko kanina. "Hmm? Wala lang. Gusto ko lang ng bago." sagot ko at ngumiti.

"Gusto ng bago?" takang tanong nya habang nakatingin sakin sa rear mirror.

Napabuntong hininga ako at iniwas ang tingin sakanya. Ayokong sabihin na hiwalay na kami ni Noah pero anong palusot ang sasabihin ko kung bakit ako nagpagupit?

"Mm. Para makapag-move on." sagot ko at ngumiti sakanya. Kumunot ang noo nya at nagtaka dahil sa sagot ko.

"Move on?" takang tanong nya. "Para saan? Hiwalay na ba kayo ni Noah?" tanong pa nyang muli.

Nakita ko ang pagsulyap ni Frost sa rear mirror na mukang inaabangan din ang sagot ko. Napakamot ako ng ulo at ngumiti ng pilit.

"Mm. Ayaw na nya eh." sagot ko at umiwas ng tingin. Nagpilit ako ng ngiti habang dinadama ang bigat ng loob ko.

Bumuntong hininga akong muli at pilit na pinakalma ang sarili. Naramdaman ko na naman ang pangingilid ng luha sa mga mata ko kaya't humarap ako sa bintana para punasan ng pasimple ang tumulong luha mula sa kaliwang mata ko.

Napakuyom ako ng kamao habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. Nakikita ko na naman yung dating Lisheine na bagong lipat lang sa section F. Yung Lisheine na mahilig magpilit ng ngiti na para bang palagi nalang masaya.

'Bumabalik na naman ako sa dati.'

"Sorry. Nagtanong pa talaga ko." mahinang sabi ni Cyra. Ramdam ko ang sinseridad aa boses nya kaya't tumingin ako sakanya at ngumiti.

"Ayos lang, Cyra." sagot ko at muling umiwas ng tingin. Hindi ko pwedeng sabihin na tanggap ko na lalo pa't hindi naman totoong tanggap ko na.

Natahimik kaming tatlo buong byahe at hindi ko na inalis pa ang pagkakahilig ng ulo ko sa bintana. Bigla na naman akobg nakaramdam ng panghihina at kakaibang sakit ng maalala ko si Noah.

Muli akong ngumiti ng pilit at binuksan nalang ang bintana para makita ko ang labas. Pinatong ko dun ang braso ko at hinilig ang baba dun habang nakatingin sa mga sasakyang dumadaan.

'Ang baho ng usok putangina.'

Inis kong pinasok ang muka ko at umubo-ubo pa dahil sa biglang pagbuga ng itim na usok ng tambutso ng sasakyan na dumaan. Parang gusto kong barilin ang gulong ng sasakyan nya ng hindi na nya mapakinabangan yun.

'Di ba bawal na ang sasakyan na naglalabas ng itim na usok?'

"Peste!" inis kong sabi at muli na sanang itataas ng salamin ng bintana ng may makita akong cafe sa di kalayuan.

Singkit mata ko yung tinignan at natigilan ng makita kung sino ang nandun sa loob.

Si Noah....

At si Phorcys.

Kasama si tito.

'Tangina! Anong nangyayari?!'

Gusto ko mang pahintuin ang sasakyan para makababa ay nagdadalawang isip ako kung gagawin ko ba o hindi.

Una ay maaabala ko si Frost. Pangalawa ay mukang seryoso ang pinag-uusapan nila at alam kong titigil lang sila pag dumating ako bigla.

'Kailangan kong makaisip ng paraan para malaman ang pinag-uusapan nila.'

SECTION F: The Rise of the Truth (Season 2)Where stories live. Discover now