CHAPTER 256

1.6K 137 26
                                    

LISHEINE'S POV:

"And that's all for today. Goodbye, class." paalam ni ma'am ng mag-ring na ang bell. Indikasyon na tapos na ang klase para sa araw na to.

"Goodbye, ma'am. See you tomorrow." sagot namin at agad na kaming nagtayuan niligpit na namin ang mga gamit namin.

Tumingin ako sa relo ko at napansing alas kwatro y media na. Maga-alas singko na.

Malapit na ang araw ng reunion. At sa pagkakataong to ay mukang tuloy na tuloy na talaga. Sabado ang reunion kaya walang pasok. Pwede namang mag-party hanggang hating gabi dahil walang pasok kinabukasan.

Nagsilabas na kaming mga hindi cleaners dala ang aming gamit at sinabihan naman kami ng aming butihing presidente na mauna na sa cafe para maagang makapag-bukas. Pumayag naman ang mga cleaners kaya't nagsibaba na kami at nagpuntahan sa parking lot.

"Ate," napatingin ako kay Waina ng bigla nya kong tawagin habang papunta kami sa parking lot.

"Yes, Waina?" tanong ko at inakbayan sya.

"Kamusta na si Hiro?" tanong nya na syang ikinagulat ko.

"Hiro?" gulat kong tanong. Bakit naman nya hinahanap si Hiro? Close na ba sila?

"Yung pusa, ate. Si Hiro. Yung inampon ng bata." sagot ni Waina na syang ikinaawang ng labi ko.

'Takte ba't ba kasi kapangalan ni Hiro yung pusa? Pfft.'

"Na kay Hiro pa rin, Waina. Inaalagan naman nya." sagot ko at ngumiti kahit hindi ko naman alam kung anong ginagawa ni Hiro sa pusa. Pero sure akong alagang-alaga yun ni Hiro.

"Gusto kong makita si Hiro, ate." nakangusong sabi ni Waina. Natawa ako ng mahina at sasagot na sana ng biglang magsalita si Rovick na malapit lang pala samin.

"Sinong Hiro naman yan, Waina?" kunot-noong tanong ni Rovick.

"Si Hiro. Yung itim na pusa'ng pinaampon ko dahil ayaw ni kuya Wade sakanya." sagot ni Waina kay Rovick na mukang naalerto.

'Pfft. Kung alam mo lang, Rovick. Dalawa na ang Hiro sa buhay ni Waina.'

"Ehh? Nasan ba yun?" takang tanong ni Rovick habang nakahawak sa strap ng bag nya.

"Nandun sa guard ni ate Lisheine." sagot ni Waina at tumingin sakin. "Ano ngang pangalan nun, ate Lisheine?" tanong nya.

"Hiro." sagot ko. Sumimangot naman sya na tinawanan ko lang.

"Yung umampon sakanya, ate Lisheine! Yung pusa yung si Hiro eh." nakangusong sabi ni Waina. Napakamot ako ng ulo at lalong natawa nang maalala yung sagutan ng dalawa noon dahil akala ni Waina ay nanggagaya ng pangalan si Hiro.

"Eh yun din ang pangalan nya eh. Hiro." sagot ko na syang ikinatigil nya. Napakurap-kurap pa sya dahil hindi talaga sya makapaniwala.

"H-hiro?!" gulat nyang tanong. Tumango naman ako bilang sagot.

"Ate bakit ngayon mo lang sinabi?! Huhuhuhu! Inaway ko pa naman sya dahil akala ko ginagaya nya yung pangalan ni Hiro!" nakangusong sabi nya at mangiyak-ngiyak na dahil hindi sya makapaniwala sa nalaman.

Lalo akong natawa dahil sa naging reaksyon nya. Ginulo ko ang buhok nya at muli syang inakbayan. "Ano ba ang iniisip mong pangalan nya?" nakangiting tanong ko.

Napanguso naman sya ng dahil sa itinanong ko at nag-isip. "Hmm... Calvin. Bagay sakanya ang pangalang Calvin eh." nakangiting sabi ni Waina.

SECTION F: The Rise of the Truth (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon