CHAPTER 170

2.6K 168 77
                                    

LISHEINE'S POV:

"Tigilan mo ang kapatid ko, Leo." natigilan ako at nailipat ang tingin sa babaeng nag-salita at hinarang pa sa harapan ko ang braso nya. Mas lalo akong nagulat ng makitang may hawak din syang baril at nakatutok din yun sa lalaki.

P-pero, ano daw? K-kapatid?

Hindi ko magawang alisin kay Charlotte ang tingin ko ng dahil sa sinabi nya. Bakit nya ko tinawag na kapatid? Sya ba ang kapatid kong tinutukoy nila? Pero, bakit? Pano? Ang daming tanong na sumabog sa isip ko!

"Miss Charlotte." napatingin akong muli da lalaking pinangalanang Leo ni Charlotte.

Napalunok ako ng maramdaman ang mga seryoso at nakakatakot nilang mga aura. Hindi ko akalaing may ganitong side din si Charlotte. At lalong hindi ko akalaing makikita at mararamdaman ko yun.

Bumaba ang tingin ko sa kamay nyang nakaharang pa rin sa tyan ko at parang pinapausod pa ko. Nakaramdam ako ng kaginhawaan ng dumating sya. Pakiramdam ko lugtas na ko pero hindi pa rin ako kumakalma.

'Si Noah? Baka kung ano ng nangyari dun? O di kaya may kasama ang lalaking to at si Noah ang pinupuntirya?! Tangina!'

Tumingin akong muli dun sa kaharap namin at na kay Charlotte na nakatutok ang baril nya. Kay Charlotte na rin sya nakatingin habang nakangisi.

"Anong ginagawa mo dito?" kaswal na may halong pagbabanta'ng tanong ni Charlotte. Yung pag tinarantado mo yung sagot sa tanong nya papatayin ka nya?

Ngumisi yung lalaki pero ramdam ko pa rin yung nakakatakot nyang aura. "Anong pakealam mo kung anong ginagawa ko dito, miss Charlotte?" walang kwenta nyang sagot.

"Tss. Sagutin mo ng maayos ang tanong ko, Leo." mariing sambit ni Charlotte.

Muling ngumisi ang lalaking to habang nakatingin samin ang walang buhay nyang mga mata. Kanina meron pero ngayon? Wala na.

"Bakit ako sasagot ng maayos sa isang tr----" naputol ang sasabihin ng lalaking to ng biglang mag-salita si Charlotte gamit ang malamig na tinig.

"Ginugulo mo ba si Lisheine?" kunot noong tanong ni Charlotte at lalong sumeryoso.

Dahan-dahang lumaki ang ngisi ng lalaking to at inangat ang ulo habang nakatingin kay Charlotte. "Sigurado ka bang tama ang choice of words mo?" nakangising tanong nito.

"You son of a bitch." mariing pag-mumura ni Charlotte at ikinasa ang baril nya.

Ngumising muli yung lalaki at nag-sukatan silang dalawa ng tingin. "You can't scare me, Virgo." sabi nung Leo at pinakadiinan pa ang salitang Virgo. Lalong kumunot ang noo ko ng tawagin syang Virgo ng Leo na to.

Teka, wait. Is that some kind of code name or endearment? Code name siguro. Sinong tanga ang makikipag-call sign dito sa tarantadong to?

Virgo is one of the zodiac sign, right? Pati na rin yung Leo. Ibig sabihin hindi totoong pangalan ng lalaking to yung Leo? Ano ba talagang nangyayari.

"Stay away from Lisheine, Leo. Hindi mo gugustuhing makalaban ako." mariing sambit ni Charlotte. Napalunok ako lalo dahil sa biglaang pag-taas ng tensyon sa pagitan ng dalawa.

"Simula nung traydurin mo kami, kalaban na ang turing ko sayo." parang binomba ang utak ko ng marinig ang sinabi nya. Anong trinaydor? Ano bang sinasabi ng ungas na to?

"Talaga? Wag kang mag-alala, bago ako pumasok sa grupo nyo, lahat kayo kalaban ko na." sagot ni Charlotte at hinawakan ang kamay ko.

"Tara na." sabi ni Charlotte at hihilahin na sana ako paalis ng biglang iputok ng Leo na to ang baril nya sa lupa.

SECTION F: The Rise of the Truth (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon