CHAPTER 161

3.4K 177 25
                                    

LISHEINE'S POV:

"Nalaman kong isang malaki at maimpluwensya ang organisasyon nila. Nalaman kong pwede nila kong tulungan para mahanap ang naging rason sa pag-kamatay ng magulang ko." natigilan ako at napakurap-kurap ng marinig yun mismo sa bibig nya.

Kumuyom ang kamao nya at pumikit ng mariin na para bang pinipigilan ang sarili na wag magalit. Napalunok ako dahil dun. Eto na naman yung Noah na nakakatakot. Yung Noah na hindi mo gugustuhing lapitan dahil sa nakakatakot nyang aura.

Napalunok ako ng sunod-sunod at hinigpitan ang pag-kakahawak sa kamay nya. Tumingin sya sakin kaya ngumiti ako ng maliit.

Bahagya syang kumalma dahil sa ginawa ko. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang ipag-patuloy ang pag-tatanong pero, mas pinili ko nalang manahimik. Baka lalo lang lumala ang nararamdaman nyang galit.

"Napasali ako sakanila dahil gusto kong malaman ang lahat. Gusto kong malaman kung totoo ba ang sinabi sakin ng tiya Pearl ko." sabi nya at muling umiwas ng tingin.

Kumunot ang noo ko dahil dun. "P-pinagkakatiwalaan ko si tiya ok? Pero may mga kwentong hindi kasi nag-tutugma eh. G-gusto ko lang malaman ang totoo." sabi nya at yumuko. Ipinatong nya ang siko nya sa tuhod nya at sinapo ang noo nya.

"Pero hanggang ngayon, wala pa rin eh. Kulang pa rin ang mga impormasyon na nakukuha ko." sabi nya at pinisil pa ang kamay ko.

Lumapit ako sakanya at inakbayan sya habang inaalo. Hindi sya umiiyak oo. Pero alam ko ang nararamdaman nya. Hinahanap nya rin ang totoo. Kung ano ang totoo nyang pagkatao.

Parang ako. Gusto kong malaman ang totoo. Ang lahat. Kung totoo bang buhay ang mommy ko. Kung totoo bang may kapatid ako. Kung sino ang asawa ng tito ko at kung sino nga ba ang pinsan ko.

"Gusto ko lang silang mahanap. Gusto ko lang malaman ang totoo, babe. Gusto ko silang makasama kung sakali mang buhay pa sila. O kung hindi man, kahit na makapag-pasalamat man lang ako dahil binuhay pa nila ko. Gusto ko silang mayakap kahit na yung mga puntod lang nila. Kahit yun lang. Ayos na ko dun." biglang nabasag ang boses nya ng sabihin nya yun. Nakagat ko ang ibaba kong labi at tuluyan na syang niyakap.

Nakakapang-hina pag si Noah na ang nagkakaganito. Hindi ko kayang makita syang ganto. Hindi ako sanay sa mahinang Noah. Kahit na araw-araw nya kong asarin, ayos lang sakin. Basta hindi sya malulungkot o iiyak man lang.

"Shh.... S-sabihin mo lahat. I-kwento mo lahat. Makikinig ako." mahinang sabi ko at hinagod ang likod nya kahit na hindi naman talaga sya umiiyak.

Naramdaman ko ang pag-pisil nya sa kamay ko kaya tumingin ako sakanya. Nangingilid na ang luha sa mga mata nya at parang may kung anong tumutusok sa puso ko dahil sa tingin nyang yun.

Para syang daddy na kapag nakikita kong umiiyak ay nasasaktan ako ng sobra. Hindi ko pa nakikitang umiyak ang tito ko pero, siguro nung bata pa ko oo. Hindi ko lang talaga maalala.

Lumunok sya ng sunod-sunod at pumikit ng mariin bago muling mag-mulat ng mata. Tuluyan na ngang tumulo ang luha sa mata nya na agad nya ring pinunasan.

"S-sorry." nahihiyang sabi nya. Ngumiti ako at umiling.

"Ok lang, Noah. Wag kang mag-alala. Naiintindihan kita. Naiintindihan ko ang mararamdaman mo. Wag ka ng umiyak mag-isa ha? Nandito lang ako. Nandito lang ako para sayo." sabi ko at pinunasan ang luha sa mga mata nya.

Muli syang lumunok at tumango ng sunod-sunod. Muli syang bumuntong hininga para mag-kwento.

"Kasalukuyan pa rin akong nag-hahanap ng sagot. Pati ang pag-kamatay ng tiya Pearl ko hinahanapan ko rin ng sagot. Pati na rin ang dahilan ng pag-kamatay ng magulang ko. Kung ako lang ba talaga ang nag-iisang tagapagmana ng mga Crauley o hindi." sabi nya na syang nakapag-pakunot ng noo ko.

SECTION F: The Rise of the Truth (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon