CHAPTER 180

2.3K 156 42
                                    

LISHEINE'S POV:

Umalingawngaw sa buong gymnasium ang pag-sabi ng bagong dean ng section namin. Lahat ay nag-taka. Nag-bulung-bulungan kung bakit tinawag ng dean ang section namin.

Ang maliit na ngisi na nakita sa labi ng dean ay napalitan ng isang magandang ngiti. Ngiti na para bang isang anghel ang ngumingiti sayo ngayon. Lahat mahuhumaling, pero satingin ko ay section F lang ang nasindak pa lalo sa ngiti nya.

Napalunok ako ng isa-isa nyang tignan ang mga kasama ko. Lalo akong natigilan at nakaramdam ng kakaibang takot ng maiwan sakin ang tingin nya. Tinitigan nya ko na para bang kinikilala nya ko sa pamamagitan ng isang pag-titig.

Nagulat ako at halos mahulog sa upuan ng biglang magsi-kilos ang section F. Lahat sila ay inusod palapit sakin ang mga monobloc chairs na inuupuan. Lalo kong naramdaman ang kaba nila.

Napatingin ako sa harapan kong umusod pa lalo sakin. Nakita ko ang napaka-seryosong tingin ni Coleen. Pasimple nyang iniikot ang mata upang tignan ang bawat sulok ng gym.

Humigpit naman ang pagkakahawak ni Noah sa kamay ko at maski si Lexie ay humawak na rin sa kamay ko. Lalong kumunot ang noo ko dahil kung protektahan nila ko ngayon ay para bang may kaaway kami sa harapan namin at ako mismo ang target.

Muling ngumiti ang dean at iniwas na ang tingin. Nag-salita sya ng kung ano-ano. Puro greetings at motivational speech ang sinabi nya at halos makalimutan na ng mga estudyante ang nangyari kani-kanina lang.

Muling inayos ng section F ang mga upuan nila at umayos ng upo. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa mga nasa harapan ko. Nakita kong lahat sila ay halos nasa bulsa ang mga kamay.

Napalunok akong muli. Hindi man lang humupa ang tensyon na nararamdaman ko sa section F. Kumunot ang noo ko ng biglang may isang bagay ang pilit na sinusuksok sa bulsa ko. Tumingin ako sa likuran at nakita ko ang walang emosyong mga mata ni Lira. Nakatingin pa rin sya sa harapan na para bang pinapanood ang bawat galaw ng dean.

"Wag mong aalisin yan." pasimpleng bulong nya sa tenga ko. Napalunok ako at tumango. Tumingin sya sakin at ngumiti ng maliit. Halata ang pag-aalala sa muka nya na para bang may hindi talaga magandang mangyayari.

Katabi nya si Mira at Connor sa magkabilang gilid nya. Nakatingin sakin si Mira at ngumiti gaya ng ginagawa nya dati. Para bang sinasabi nyang ayos lang. Na wala akong dapat ipag-alala dahil nandito sila.

"As a new dean of MLIS and the brother of the chairwoman, i want to give you my words, students. That i won't be like the irresponsible former dean of this school. I promise that i will treat you the way you deserve. I hope that until the graduation of the seniors, my beloved students will completely graduated." sambit pa nya habang nakangiti. Napalunok ako. Sigurado akong may laman ang sinabi nya.

Sya ba talaga ang head master ng section F? Bakit nagito nalang ang takot ng mga kaibigan ko sakanya? Gano ba sya kalakas o kagaling para masindak ang mga kaibigan kong maski si kamatayan ay hindi kinakatakutan?

Kung totoo nga ang sinasabi nyang sya ang nakababatang kapatid ng chairwoman, ibig bang sabihin nun ay alam ng chairwoman ang tungkol sa organisasyon nila? Ibig bang sabihin nun alam nyang assassin ang anak at ang kapatid nya?

Eh pero si chairwoman? Ano sya? Kasapi ba sya sa organisasyon'g yun? Bakit parang wala naman ata syang kinalaman dun? I mean----masyadong mabait ang chairwoman at parang hindi nya kayang pumatay. Hindi naman porke kayang pumatay ng mga kamag-anak mo ay kaya mo na rin di ba? Hindi naman pare-parehas ang mga tao.

Napalunok ako ng bigla kong maalala si ate Victoria. Bahagya kong nakikita si ate Victoria sa katauhan nya. Kaya nyang ngumiti ng maganda, pero hindi lahat ng ngiti ay maganda ang pinapakita.

SECTION F: The Rise of the Truth (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon