CHAPTER 241

1.6K 125 28
                                    

LISHEINE'S POV:

Kinagabihan ay natapos na rin ang trabaho namin para sa araw ng Sabado. Kinabukasan ay may trabaho pa rin kami syempre, ang kaso ay sa mansyon ako uuwi.

"Gusto mo bang matulog sa bahay ko?" tanong ko kay Noah na nagmamaneho pa ng sasakyan nya.

"Hmm? Wag na. Baka malaman na naman nun at iba na naman ang isipin ng tito mo." sagot nya na syang ikinabuntong hininga ko.

"Eh di sa bahay mo nalang ako matutulog." sagot ko na syang ikinagulat nya. "B-babe!" kabadong sabi nya pero ngumiti lang ako sakanya.

"Alam kong hindi ka makakatulog dahil sa sobrang pag-aalala eh." sabi ko at pinisil ang kamay nyang hawak ko. "Kaya tatabihan kita mamaya." dagdag ko pa at ngumiti sakanya.

Bumuntong hininga sya at hininto ang kotse nya. Nandito na kami eh. "Di mo naman kailangang gawin yun, babe. Mamaya ikaw na naman ang mapahamak." mahinang sabi nya na syang ikinabuntong hininga ko muli.

"Hindi ko kailangang gawin pero gusto ko, ok? Sasamahan kita ngayon. Para mapanatag ka na rin." sabi ko at inalis na ang seatbelt ko.

"Tara na? Gutom na ko eh." sabi ko. Marahan naman syang tumango at binitawan ang kamay ko para alisin ang seatbelt nya.

Bumaba sya para pagbuksan ako ng pinto. Inalok nya ang kamay nya kaya hinawakan ko yun at bumaba na. Sinarado ko ang pinto at kinuha naman nya ang mga gamit namin sa passenger seat.

Sabay kaming nagtungo sa bahay nya at binuksan naman nya ang pinto at pumasok na kami. Kakapain ko na sana ang switch para buksan ang ilaw ng maramdaman ko ang biglaang pagyakap nya.

Bumuntong hininga ako at niyakap sya pabalik. Hinayaan ko ang nakasubsob nyang muka sa leeg ko at lalo ko pa syang niyakap. Para mabawasan man lang ang takot na nararamdaman nya.

"Babe," pagtawag nya sakin.

"Hmm?" tanong ko habang sinusuklay ang buhok nya.

"Wag ka na lang pumunta." nakikiusap na sabi nya na syang ikinalunok ko. "Baka di ka na makabalik sakin eh." mahinang dagdag nya. Napakalungkot masyado ng boses nya. Para bang ayaw nang bumitaw kung yakapin nya ko. At para bang hindi na ko babalik kung bumuntong hininga sya.

"Babalik ako, Noah. Kahit anong mangyari, babalik ako." sagot ko at bumaba sa pisngi nya ang kamay ko. "Hindi na mauulit pa ang nangyari. Hindi ko na sya hahayaang gawin pa yun ulit." sabi ko pa at hinawakan ang pisngi nya gamit ang dalawang kamay ko.

Tumingin sakin ang malungkot nyang mga mata. Kahit nasa dilim kami ay ramdam ko pa rin ang pag-aalala nya. Nang kapain ko ang pisngi nya ay umiiyak na naman sya.

'Noah...'

"Pano kung kunin ka nya ulit sakin? Kung ilayo ka nya at hindi ka na makabalik pa? Pano kung hindi na kita makita pa ulit? Babe, ayoko nun. Dito ka nalang, please." sabi pa nya at hinawakan ang kamay kong nasa pisngi nya.

"Pero hindi matatapos to pag hindi ko sya kinausap. Ayokong palagi ka na lang natatakot sa tuwing aalis ako at pupunta sa mansyon. Gusto kong mapanatag ka kahit wala ako, Noah." sagot ko at pinunasan ang pisngi nya. Umiling sya ng sunod-sunod na para bang imposible ang sinasabi ko.

"Kahit kelan hindi ako mapapanatag sa tuwing aalis ka. Palagi akong natatakot na baka mapano ka. Lalo na pag di mo ko kasama." sabi pa nya habang nakatitig sakin. Ayaw nya talagang umalis ako bukas.

"Anong pwede kong gawin para hindi ka na matakot?" mahinahong tanong ko habang hinahaplos ang pisngi nya.

"Wag ka nang tumuloy." kaagad nyang sagot na syang ikinabuntong hininga ko.

SECTION F: The Rise of the Truth (Season 2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang