Five

866 36 22
                                    

"I'm sorry, Mom, Dad."

They both sighed.

Nakauwi na ako dito sa bahay namin at hinatid ako ni Cole kanina. Siya na rin ang nagpaliwanag kila Mommy kung bakit hindi ako nakauwi. Hindi kumikibo si Daddy, nakatingin lang siya kay Cole kanina.

"Kayo lang dalawa sa condo niya?" Dad asked.

"Y-Yes, Dad.." I answered and looked away.

"What?"

Mabilis akong napalingon sakaniya at gulat ang itsura niya.

"Dad, no! I mean.. Brianna was there pero umalis din dahil may pasok siya and si Cole umalis din siya para pumasok sa trabaho niya. And Daddy! Hiwalay kami ng kwarto!" mabilis kong sabi at may hand gesture pa.

"Edi sana inuwi ka nalang niya dito kung wala rin naman palang magbabantay sayo sa condo niya."

Lihim akong napanguso.

"Umuwi rin po siya agad at binantayan ako." mahinang sagot ko.

Hindi nakasagot si Daddy at matiim lang na nakatingin sakin. Kinagat ko ang ibabang labi ko at nag-iwas ng tingin kay Daddy at sakto naman na tumama 'yon kay Mommy. Nangingiti siya sakin.

"Wala ka bang ik'kwento kay Mommy?" Mom asked as soon as we get inside my room.

I blushed.

"Mommy naman.." nahihiya kong sabi.

Mahina siyang natawa sa naging reaksyon ko.

"'Nak, I know you like him and I also know that you're happy with it. Pero nasabihan naman na kita about Cole, right?"

"Yeah.."

She carressed my cheek.

"I don't want to see you hurting because of love pero hindi ko rin naman pwedeng sabihin sayo na huwag kang magmahal dahil ang sarap magmahal. Lalo na kung mahal ka rin ng taong mahal mo."

Naiintindihan ko ang sinasabi ni Mommy. Alam kong nag-aalala lang siya para sakin pero no'ng sinabi niyang masarap magmahal ng taong mahal ka rin, iba yung pakiramdam. Feeling ko hindi ko 'yon mararamdaman kay Cole pero wala e, nandito na 'to. Mahal ko na siya. Oo na, mahal ko na siya.

Nakita ko kung gaano siya nag-alala sakin no'ng isang gabi pero alam ko naman na hanggang don lang 'yon. Alam kong hindi niya mararamdaman sakin ang nararamdaman ko para sakaniya. Tatanggapin ko 'yon ng paunti-unti.

Monday na ulit at pwede naman na akong pumasok sa school kaya pumasok na 'ko.

Nabigla pa 'ko nang sumulpot sa harapan ko si Vince.

"Hi.." bati niya, showing his full smile.

"Seriously? Hindi mo kailangan mang-gulat." masungit kong sabi at naglakad na ulit.

"Someone's grumpy.." komento niya.

I raised my brow, "Excuse me?"

Inilahad niya sa daan ang mga kamay niya at nang-aasar na ngumiti sakin na para bang ipinapahiwatig niyang maluwag ang daan.

Mariin akong pumikit, "Argh! Bahala ka nga diyan!" sabi ko at binilisan ang lakad ko.

Tumatawa siyang sumunod sakin.

"Wait, Desiree naman."

Hindi ko siya pinansin. Ano bang problema ng lalaking 'to at sunod nang sunod sakin.

"What?"

"Bakit ba kasi hindi ka pumasok last week?" he asked.

"I was sick. Okay na ba?"

Lost in Love - COMPLETEWhere stories live. Discover now