PART II: Sixteen

1K 31 32
                                    

Last 9 chapters.

-

Kasama ko ngayon si Cole at Brylle dahil pupunta kami ngayon sa bahay nila Mom. Kasama sila Tita Coleen at Tito Raizen. Dapat ay kasama rin si Brianna pero sinabi niyang masama ang pakiramdam niya marahil dahil 'yon sa pagbubuntis niya. Hinayaan na lang din siya nila Tita at tinawagan naman ni Tito Raizen si Tito Liam para papuntahin sa bahay nila si JM para samahan si Brianna.

Napatingin ako kay Cole nang hawakan niya ang kamay ko habang nagddrive.

"Hm?"

He smiled, still looking at the road. "I'm just happy.."

"Me too." nakangiti kong sabi at pinisil ang kamay niya. Hinalikan ko naman ang noo ni Brylle na nakakandong sakin at natutulog.

Hindi nagtagal ay nakarating na rin kami sa bahay. Nandito na rin ang sasakyan ni Tito Raizen.

"We're late." I said and let out a soft chuckle.

He looked at me and raised his brow. "Your fault."

Natawa ako sa sinabi niya. Oo na. Kasalanan ko na. Paano naman kasi, sobrang saya ko kanina nang magising na siya agad ang nakita ko kaya nahiga ako sa ibabaw niya habang natutulog siya.

Hindi naman ako umalis hangga't hindi siya nagigising. Hindi rin ako lalo umalis nang magising na siya.

Sobrang na-miss ko lang talaga siya..

Binigay ko sakaniya si Brylle na ngayon ay medyo nagigising na. Nangangalay na kasi ako.

"Oh, they're here!' sabi ni Tita Coleen at sinalubong kami. Humalik naman ako sa pisngi niya.

Sapilitan niyang kinuha si Brylle kay Cole kaya wala nang nagawa si Brylle kung hindi ang tuluyang magising. Natawa naman ako. Hindi ko naman sila masisisi. Sobrang gusto nila si Brylle, unang apo pa.

Humalik din ako kila Mommy at Daddy, maging kay Tito Raizen bago naupo sa couch na mabilis namang tinabihan ni Cole.

Pumikit siya at sumandal sa balikat ko at yumakap sa bewang ko.

"You look tired." Tito Raizen commented.

"Baka may ginawa." Tita Coleen said.

Namula ang pisngi ko kahit wala naman talaga kaming ginawa. 'Yun kasi ang iniisip nila! Nakakahiya!

"May kasunod na ba si Brylle, anak?" tanong ni Mommy.

Nanlaki naman ang mata ko siyang nilingon. "Wala po--"

"Yes, Tita.." sabi ni Cole. Kinurot ko naman ang hita niya kaya dumilat siya at nag-angat ng tingin sakin. "What?"

"Seriously?" inis ko kunwaring tanong, pinagtatakpan ang hiya.

"Don't you trust me?" taas-kilay niyang tanong, may nakakaasar rin na ngiti.

"Ewan ko sayo!" sabi ko at inirapan siya saka pinag-krus ang mga braso ko sa may dibdib ko.

Tumawa siya saka hinalikan ang sentido ko at mahigpit akong patagilid na niyakap.

I automatically smiled..

Kumain muna kami ng tanghalian bago kami lumipat sa garden. Pinagpaalam din sakin ni Dad at Tito Raizen si Brylle na mag-swimming. Wala namang problema doon dahil palagi naman akong may dalang extra na damit para kay Brylle. Si Cole ang walang dalang damit kaya nakuntento na lang siya sa pag-upo sa gilid habang nakalublob ang paa sa tubig. Pinapanood sila Dad.

Napalingon ako kay Mom nang matunog siyang ngumiti. Katabi ko sila ngayon ni Tita Coleen.

"Why, Mom?"

Lost in Love - COMPLETEWhere stories live. Discover now