PART II: Nine

913 40 44
                                    

["Really?"]

Tumango ako sa harapan ng camera ng phone ko kasi kausap ko si Jaz habang nakatingin naman ako sa naglalaro kong anak sa sahig.

"Yes. Siyempre no'ng una nahirapan din naman akong tanggapin pero day by day nari-realize ko naman na we're better off this way talaga. Yung we're friends lang talaga kasi in this way, mas comfortable kami sa isa't isa."

Sinabi ko kasi sakaniya yung napag-usapan namin ni Cole the last time we saw each other, no'ng birthday ng lola ni Janice.

["Friends with feelings?"]

Doon ako tumingin kay Jaz na nakataas ang kilay sakin.

"Hmm, sort of." sagot ko at tumawa.

Hindi rin naman nagtagal ang pag-uusap namin ni Jaz dahil may trabaho pa siya kaya nagpaalam na rin siya kay Brylle.

Friends with feelings.

I love him, I still do. Pero ayaw ko nang ipilit yung mga bagay na hindi naman na talaga pwede. Kailangan kong tanggapin na hanggang dun nalang yun. Na masaya naman kami kahit ganito lang kami.

Nag-ring ang phone ko at si Nathalia ang tumatawag.

"Miss me?"

["Of course not, 'no! Brianna needs us."]

Needs us?

"Bakit? Anong nangyari?"

["Hindi ko pa rin alam pero it's about her and JM."]

Ano naman kayang nangyari sa dalawang 'yon?

Pinatay ko na ang tawag at sinabi ko nalang sakaniya na daanan ako dito sa unit dahil ayokong magdrive, ihahatid nalang din muna namin si Brylle kila Mom.

Pinaliguan ko na saglit si Brylle habang naliligo din ako saka siya pinagdala ng gatas at damit niya pamalit bago kami lumabas ng unit.

May nakasabay pa akong matangkad na lalaki sa elevator.

"Oh. Sorry." sabi ko at bahagyang ngumiti dun sa lalaki dahil inaabot siya ng kamay ni Brylle.

He smiled. "It's okay. He's cute."

"Thanks!"

Bumukas na ang elevator at nasa lobby na kami. Nauna akong lumabas.

"Hey!"

Lumingon ako dun sa lalaki at nakatingin siya sakin.

"I'm Allen."

Did I ask?

"I'm Des. Desiree." sagot ko nalang at bahagya siyang nginitian saka nagpatuloy sa paglakad papuntang parking.

He's tall and handsome, yeah.

"Saan kayo pupunta?" tanong niya habang nilalaro ang daliri ni Brylle.

Ay, close na tayo, Allen? May pagtanong na kung saan pupunta?

"Sa friend ko. Oh. She's here! Bye!" I said and then waved my hand.

Lumapit ako sa sasakyan ni Nath at sumakay sa harapan.

"Who's that?" tanong agad ni Nath, nakatingin kay Allen.

Tumingin din naman ako at nakatingin pa rin siya.

"Si Allen."

"Bago mo?" tanong niya ulit saka siya nagsimulang mag-drive palabas ng parking.

Kumunot naman ang noo ko sa tanong niya.

"Hindi no. Nakasabay ko lang siya sa elevator kanina."

"Ah, tapos sinundan ka na." nang-aasar na sabi niya at hindi nalang ako sumagot. Nagkibit-balikat nalang ako.

Lost in Love - COMPLETEWhere stories live. Discover now