Eleven

1K 38 42
                                    

["How are you, Ate?"] Mom asked.

Eleven weeks has passed. Maayos naman ang pag-stay ko dito sa bahay ni Tita Anna sa Macau. Noong una, siyempre hindi madali. I miss my parents, my sister, my friends, at siya, pero tinatak ko sa sarili ko na I'm doing this for myself. I need to heal. I need to be okay and I need to learn how to be happy alone. And I realized na minsan pala okay rin na mag-isa ka. Matututo kang gawin ang ibang bagay kahit ikaw lang mag-isa.

"I'm okay, Mom. Where's Dad and Deneese?" I asked.

["Well, Deneese wants to eat chocolate cake and you know her, she won't take no for an answer kaya bumili na silang dalawa. Pero kanina pa 'yon, I'm sure pauwi na sila kaya makakausap mo pa sila."]

Natawa naman ako. Favorite kasi ni Deneese ang chocolate cake kaya hindi talaga makakatanggi sakaniya si Dad dahil hindi papayag si Deneese.

Nakarinig ako ng ingay kila Mommy kaya alam kong dumating na sila Dad. Ang ingay kasi talaga ni Deneese.

["Mommy, let's eat! Dad bought me chocolate cake!"]

Mom rolled her eyes while laughing.

["Hindi ko alam kung nakalunok ba ng microphone itong kapatid mo. God, she's too loud!"]

Malakas akong natawa sa sinabi niya. Totoo naman kasi. Hindi ko na nga kailangan mag alarm para magising ng maaga, dahil isang sigaw niya lang gising na ako.

-_-

I saw Dad behind Mom and he kissed her before waving at me.

["Hello, baby. We miss you."]

I smiled at him. "I miss you too, Dad."

["Hello, Ate! Let's eat my favorite food together!"] Sigaw niya.

I rolled my eyes.

"Hello? As if I can eat that thing with you. And please, stop shouting! Everyone around you are so pissed with your freakin' loud voice, Deneese Jemmielle!"

Tumawa sila Mommy sa sinabi ko habang si Deneese naman ay sumimangot.

["I hate you!"] Galit na sigaw niya.

I raised my brow. "I know you love me because I'm your favorite sister."

["You're my only sister!"]

"Yeah, whatever. Eat that thing now." Sabi ko. Kumain naman siya habang masama ang tingin sakin.

Tawang tawa sila Mommy na nakikinig saming dalawa ni Deneese.

They ate that chocolate cake together as I watch them and eat my food too.

Nang makaramdam ako ng antok ay nagpaalam na ako sakanila. Sakto naman na aalis din sila at pupunta kila Tita Coleen dahil nag-aya daw uminom si Tito Raizen. Sigurado naman ako na pati ang iba nilang kaibigan ay pupunta rin doon.

Pinatay ko ang laptop ko at itinabi 'yon saka ako pabagsak na nahiga sa kama.

I am so sleepy but I can't sleep.

Naalala ko na naman kasi siya. Nabigla si Mommy kanina nang sabihin niyang kila Tita Coleen siya pupunta. I know she doesn't want us to talk about that, ayaw niya ring ipaalala sakin kaya nabigla siya kanina nang masabi niya 'yon.

Kumusta na kaya siya? Mahabang panahon din ang eleven months. Marami na sigurong nangyari sa buhay nila doon... na hindi ko alam.

I changed my number. I deleted my social media accounts too, and created a new.

I admit, sa loob ng eleven months na 'yon, naaalala ko siya. Pero pinipilit kong maging abala para mawala siya sa isip ko. Mas pinili kong may pagkaabalahan bukod sa pag-aaral and because of that, I became an artist. An actress. Kinausap ako kasi ni Tita na walang masama kung susubukan ko, so ito na ako ngayon. Ito yung nangyari sa buhay ko na hindi nila alam.

Lost in Love - COMPLETEWhere stories live. Discover now