PART II: Two

976 43 58
                                    

Kinabukasan ay umuwi na rin kami ni Brylle sa bahay pero bago 'yon ay nagpaalam muna ako sa manager namin na uuwi kami sa Pilipinas ng isang linggo kasama si Jaz. Pumayag naman sila since hindi pa naman kami magsisimula sa movie namin.

Dapat kasama naming uuwi si Yen kaso siya yung may trabaho kaya hindi siya natuloy.

Nagulat pa nga ako no'ng kausapin niya ako at sinabing I can use Jaz daw to make Cole jealous like before.

Napailing nalang ako. As if naman magkikita kami, diba?

Hindi naman kami magkikitang dalawa dahil si Brylle lang ang pasasamahin ko kila Mommy sa bahay nila Tita Coleen.

Alam kong maiintindihan nila..

Alam ko rin na kung sakali mang magkita si Cole at Brylle hindi sasabihin sakaniya ni Mommy o ni Daddy na anak niya 'yon. Saka ligtas naman ang anak ko dahil ako ang kamukha niya. Huwag lang talaga siyang ngingiti dahil doon sila nagkakamukha na dalawa.

["May ticket na tayo. Bukas ng tanghali ang flight natin, anak."] sabi ni Mom nang tawagan niya ako.

"Hmm. Okay, Mom. Mag-aayos na ako agad ng gamit dahil maraming gamit na kailangan dalin para kay Brylle."

["Okay, anak. Tell Jaz about our flight, okay? Bye! See you tomorrow!"] sabi niya saka pinatay ang tawag.

Katulad ng sinabi niya, nag-message ako kay Jaz para ipaalam na may ticket na kami, kasi kapag hindi mo sinabi sakaniya ng maaga, siya ang bibili ng ticket.

Dahil wala naman akong gagawin ngayong araw ay sinamahan ko nalang si Brylle sa playground at hinayaan siyang makipaglaro sa ibang bata.

Pinapanood ko lang siya na makipag-habulan ng gapang at tawanan sa mga batang nandito. Hanggang sa natumba yung batang babae na kalaro niya at agad itong nilapitan ng tatay niya.

"Daddy!" umiiyak na tawag sakaniya nung bata.

Nakita kong gumapang si Brylle palapit sa batang babae na natumba niya at pilit 'yong hinawakan sa mukha.

That's his way of saying sorry.

Lumapit sakin si Brylle at para siyang maiiyak.

"Why, baby? Nasaktan ba ang baby ko?" malambing kong tanong sakaniya saka tiningnan ang tuhod at braso niya pero wala naman siyang sugat.

"Why are you crying.. hmm?" tanong ko ulit saka pinunasan ang luha niya na nagsisimula nang tumulo. Nakanguso pa siya katulad ng ibang mga bata kapag umiiyak sila.

Lalo lang lumakas ang iyak niya at yumakap sakin saka sumandal sa balikat ko. Ganito kasi talaga siya kapag nakikita niyang may umiiyak. Parang nakasanayan niya 'yon kay Sabreena dahil madalas 'yon umiyak.

Nang tumahan siya ay pinakain at pinadede ko muna siya saglit bago kami umuwi sa bahay ni Tita Anna. Mabilis din naman siyang nakatulog marahil dahil sa pagod kaya tinabihan ko nalang muna siya.

I don't know what will happen..

Hindi ko rin alam ang pwedeng mangyari kapag umuwi kami sa Pilipinas. Hindi ko alam kung may chance ba talaga na magkita sila o wala. Pero kahit ano pang mangyari.. hinding-hindi ko hahayaang makilala niya ang anak ko, o siya ng anak ko.

Brylle deserves it, I know..

Dadating ang araw na hahanapin niya sakin si Cole at hindi ko alam ang sasabihin sakaniya at kung paano ipapaliwanag sakaniya kung bakit hindi niya nakilala ang Daddy niya.

Imbes na lumipat pa ng kwarto ko para matulog ay tumabi nalang ako kay Brylle at niyakap siya saka pumikit.

---

Lost in Love - COMPLETEWhere stories live. Discover now