PART II: Ten

866 31 42
                                    

"Natin." mahinang sabi niya na ikinatigil ko sa paglakad. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Tama ba ang narinig ko? Humihina na ba ang pandinig ko? Nananaginip na ba ako?

Hindi agad ako nakapag-react. Nanatili lang akong nakatalikod sakaniya.. kinakabahan, nanginginig ang mga kamay.

Humugot ako ng isang malalim na hininga at nilingon siya. Nakaupo na siya at nakatingin sa natutulog naming anak.

"N-Natin?"

He stared at me and nod. "I wish he's ours. I want him to be mine.. so I could use him to win you back."

Win me back?

Lalo na akong hindi nakakibo at tumitig nalang din sakaniya.

"I want to be his dad." sabi niya saka marahang pinaglaruan ang daliri ni Brylle. "Masaya naman ako kapag kasama siya. Pero kapag ako nalang mag-isa, naiisip ko.. siguro mas masaya ako kung ikaw ang kasama ko."

Why are you doing this to me..

"I wish I could turn back the time.. yung masaya pa tayo. Yung tayo lang dalawa yung magkasama. Akala mo ba ikaw lang ang nanghinayang? Ikaw lang ang naghanap? Ikaw lang ang nangailangan? Ang nasaktan? I was in pain too.."

Pero bakit ngayon lang..

"I want you back.. but we both know it's impossible. We both have someone." mahinang sabi niya at ngumiti sakin. "If I could only turn back the time, I would never leave you. I wouldn't choose her over you."

Ayokong bumigay sa mga sinasabi niya. Kanina pa gustong tumulo ng mga luha ko pero pilit kong pinipigilan 'yon. Hindi pwede..

Hindi na pwede kasi okay na kami. Hindi ako pwedeng bumigay nang ganon ganon nalang dahil ayoko nang gawin yung pagkakamali na ginawa namin dati kay Rishelle.

Kailangan may isa samin ang magpigil ng nararamdaman at ako 'yon..

Isa pa, hindi naman ako sigurado kung mahal niya nga ako. Gusto kong sumugal dahil sa mga sinabi niya pero hindi ko gagawin. Gusto kong isipin si Brylle. Eto na yun eh. Tanggap siya ng tatay niya. Gusto siya ng tatay niya. Pero ano na naman ang mangyayari sakin kung susugal ako? Wala namang kasiguraduhan kung ako na talaga ang pipiliin niya.

I heaved a sigh and gave him a fake smile.

"Don't do this, Cole. We're okay and I told you we're better off this way, diba? Okay na tayo. We're friends. We both apologized for what happened before kaya we should forget it nalang and move on." sabi ko at naglakad papuntang kitchen para iwasan ang mga tingin niya.

Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sakin.

"Do you still love me?"

Mariin akong pumikit at nilunok ang bumabara sa lalamunan ko.

"I told you. When you left me na-realized ko na hindi kita ganon kamahal at kaya ko pa rin magmahal ng iba."

He's looking at me intently.

"And that doesn't answer my question, Desiree." sabi niya at lumapit sakin kaya umatras ako.

I cleared my throat and laughed. "Cole, alam mo, anong oras na. You should go home. Hehe." sabi ko at kinakabahang tumawa saka lalayo sana sakaniya pero mabilis niya 'yong napigilan dahil sa paghawak niya sa bewang ko.

Lalong bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa pagtitig niya sakin.

"I just want you to answer my question." mahinang sabi niya. "Do you still love me?"

Pinilit kong pigilan ang nararamdaman ko at tumingin deretso sa mga mata niya at umiling. Hindi ko kayang sabihin..

"Really?" tanong niya at tumango naman ako.

Lost in Love - COMPLETEWhere stories live. Discover now