Fourteen

977 40 71
                                    

This place is... really really beautiful. breathtakingly beautiful..

Batanes, I'm in love with you..

"Wow.." I heard Janice whispered..

Pumikit ako at ninamnam ang sarap ng malakas na hangin.

Nagmulat ako ng marinig ko ang pagclick ng camera and there's Jaz, smiling while looking at me.

Dahil sa ginawa ni Jaz ay nagpicture na rin sila Vince. Kaniya-kaniya kaming pagkuha ng picture, sinusulit ang magandang view.

Parang ayaw ko nang umalis pa dito..

Ang outing ay naging out of town.

Matapos naming mag picture ay pumunta na kami sa bahay na ni-rent namin ni Jaz na nakihati rin naman sa bayad si Cole.

May dalawang malaking kwarto na may dalawa ring kama na hindi naman ganon kalaki. May couch din.

Sa isang kwarto ay kaming mga babae at sa kabila naman ay sila Jaz.

"Des, wait." pigil sakin ni Marco bago ako pumasok sa kwarto namin.

"Yes?"

He smirked. "Pwede naman kaming magsama-sama sa iisang kwarto tapos kayo na lang dalawa ni Jaz sa isang kwarto."

"Oh! Shut up, Marco!" I answered then rolled my eyes at him.

Nagtawanan naman sila.

"Excuse." sabi ni Cole at naunang pumasok sa kwarto nila.

Wala namang kumibo samin dahil don. Lumingon ako kay Jaz na nakangisi sakin kaya tinaasan ko siya ng kilay at inirapan bago pumasok sa loob ng kwarto.

Tumalon ako pahiga sa kama at pumikit. Grabe. Sarap matulog, nagkaayaan naman nga kami na mamahinga muna bago kami lumabas ulit para mag-gala bukas.

Sa aming mga babae ay ako ang naunang magising kinabukasan kaya lumabas na ako at dumeretso sa kitchen dahil nagugutom na ako. Dadamihan ko na rin ang pagluto para sa mga kasama ko.

Habang abala ako sa pagluluto ay natigilan ako dahil naramdaman kong may nakatingin sakin. Hindi naman ako nagkamali dahil nakatitig sakin si Cole.

Pasimple akong lumunok at tinuon ang sarili sa pagluluto. Pinilit ko ring pakalmahin ang nagwawala kong puso.

Pinilit kong hindi pansinin ang presensya niya kahit ang lakas ng epekto niya sakin.

Wala siyang ibang ginawa kundi panoorin ang ginagawa ko, sinusundan ako ng tingin at hindi ko na maiwasang mailang.

"Seriously, Cole. If you're hungry then sit and eat. Stop watching me because--"

"I'm making you feel uncomfortable." he said.

I stared at him. "Yes, so please, just sit and eat." ulit ko saka ko nilagay at inayos sa lamesa ang mga niluto ko.

Hindi niya sinunod ang sinabi ko at sumandal lang sa pader.

"Bahala ka nga." mahinang sabi ko.

Tumalikod ako at lumapit sa ref para kuhanin ang milk na baon ko.

"You two had sex?"

Natigilan ako. Gulat ko siyang nilingon.

"U-Uhm.. we did--"

"Yes. We had sex. That's why it's normal for us to sleep together. In one bed." Jaz answered behind Cole.

My eyes widened. What the hell, Jaz!?

Tumingin ako kay Cole at walang emosyon ang mukha niya. I bit my lower lip.

Lumapit sakin si Jaz at nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong halikan sa mga labi ko.

Lost in Love - COMPLETEWhere stories live. Discover now