Part II : One

1.2K 36 64
                                    

"Ma..ma!"

Rinig kong sigaw ng dalawang taong gulang kong anak na si Brylle.

Tumingin naman ako sakaniya na nakaupo sa sahig habang naiiyak na nakatingin sakin.

"Mommy said no, baby." sabi ko sakaniya saka nagbalik-tingin sa laptop ko.

He wants to play outside.. I know. Pero katulad nga ng sinabi ko sakaniya, busy ako sa pag-aaral ng script kaya hindi ko siya pwedeng samahan sa labas.

Siya na ang anak sakin ni Cole. Dalawang taon na ang lumipas mula no'ng nawala siya ng parang isang bula sa buhay ko.. at ng anak namin.

I can clearly remember what happened almost three years ago..

I was totally depressed.

I thought my life would end right at that moment.

I wouldn't talk. I couldn't laugh. I couldn't move. But I need to eat so I did.

Sobrang lala ng hirap ng buhay ko no'ng una hanggang pangatlong buwan na pinagbubuntis ko si Brylle.

Hindi nila ako makausap. Palagi kong hinahanap si Cole. Palagi akong umiiyak, nasa kwarto lang. Lalabas lang ako ng kwarto kapag pupunta ako sa OB ko para sa monthly check-up, tapos pag-uwi, deretso kwarto, iiyak, makakatulugan ang pag-iyak, kakain kapag nagutom. Hindi ako lumabas ng kwarto ko para sa ibang bagay, lumalabas lang ako para sa anak ko. Para malaman ang kalagayan ng anak ko no'ng mga panahong 'yon.

Hindi naging madali para sakin yung ginawa ni Cole.

Ang hirap ng pinag-daanan ko..

Pinagpapasalamat ko nalang talaga na sa kabila ng lungkot at sakit na nararamdaman ko no'ng mga panahong 'yon, nabuhay ang anak ko.

But he was premature..

I gave birth to him when I was on my seventh month.

Imagine my pain.. and his pain..

Dahil sa depression ay hindi bumuti ang kalagayan ko na nagkaroon ng matinding epekto sa anak ko.

At nang mangyari 'yon...

Doon ako bumalik sa sarili ko.. sa tamang pag-iisip ko..

Sobrang nagsisisi ako na hindi ko inalagaan ang sarili ko kaya napaaga ang labas ni Brylle.

"Ma..ma!" sigaw niya sa tinotoyo nang tono.

Ugh! Hindi ko pa kasi maituloy na pagawaan ng mini playground si Brylle sa garden kaya halos araw araw kapag may trabaho ako ay ganito kaming dalawa. Mas madali sana kung may mini playground na siya dito para anytime ay pwede siyang maglaro na masasamahan ko kahit pa may trabaho o script na inaaral.

I offered him my hand, "Come here, baby.."

Mabagal siyang gumapang palapit sakin saka pilit na inaabot ang binti ko kaya pinangko ko na siya at ini-upo sa mga hita ko.

"Mommy's busy sa work kasi baby, eh.." sabi ko at para namang naintindihan niya dahil kita kong paiyak na siya. "But.. Mommy will ask Lolo and Lola to play with you outside tomorrow, okay?" i added and shook my head.

Mahina akong natawa nang bahagya siyang nguso kasabay ang pag-iyak niya.

He's too cute!

Isa sa mga pinagpapasalamat ko ay ako ang naging kamukha niya. Pero kapag ngumiti siya ay talagang ngiti ni Cole ang nabubuo sakaniya.

Ipinagpapasalamat ko na ako ang kamukha niya dahil kung sakali man na magkita sila ni Cole, maaaring hindi niya maisip na anak niya si Brylle. But.. I'll make sure na hindi sila magkikita. Never. I won't let him meet my son.

Lost in Love - COMPLETEWhere stories live. Discover now